^

PSN Showbiz

Lovi pumayag mabuntis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Walang dapat ikabahala ang Kapuso viewers na baka hindi mag-renew ng kontrata ang TAPE Inc., para sa Eat Bulaga at ilipat sa ibang network dahil sabi ni Malou Choa-Fagar, nag-renew na sila for another three years sa GMA 7. Pirma na lang daw ni Mr. Tony Tuviera ang kulang at siguradong pipirmahan na bago mag-expire ang kontrata nila sa December.

Ipinarating namin kay Malou ang takot ng Kapuso viewers na baka sa ibang channel na nila mapanood ang veteran noontime show, pero ayos na pala ang usapan between Channel 7 and people of TAPE, Inc. Malabo na ilipat pa nila sa ibang network ang show at maganda rin ang paliwanag niya kung bakit three lang at hindi five years ang pinirmahan nilang kontrata.

Samantala, malaki at maganda ang plano ng TAPE Inc., sa bago nilang discovery na si Jude Matthew Servilla, champion ng Birit Baby ng Eat Bulaga na maraming pinaiyak noong kainitan ng contest. Maghintay na lang daw ang mga fans ng bagets.

* * *

Kaya pala hindi na binanggit ni Lovi Poe ang Shake, Rattle & Roll XI na kanyang gagawin nang makausap namin sa shooting ng Sagrada Pamilya dahil hindi na siya kasama sa cast ng Lamang Lupa episode. Hindi conflict ang schedule ang dahilan kaya nag-back out siya, kundi dahil nagka-measles sa scheduled shooting, ayon sa manager niyang si Leo Dominguez.

Anyway, busy pa rin naman si Lovi kahit wala na sa Shake, Rattle & Roll XI dahil tinatapos ang Sagrada Pamilya ng Legadas Productions at showing na sila sa third week ng November. Inspired ito sa Kisapmata at kapareho ng role ni Ms. Charo Santos-Concio ang ginagampanan ni Lovi na biktima ng incest ng sariling ama played by Emilio Garcia.

May two rape scenes si Lovi na kinatakutan noong una at naalis lang nang i-assure ni Emilio na aalagaan siya sa kanilang mga eksena. Magbubuntis din siya rito at marami pang eksenang ngayon lang niya ginawa. Laking pasalamat niya kay Direk Joel Lamangan sa pag-aalalay sa kanya.

Hanggang ngayon, tinatanong pa rin si Lovi kung bakit wala siya sa birthday party ni Sen. Bong Revilla at sa paliwanag nito, parang ayaw na lang niyang maintriga. Binati naman daw niya ang ama ng ex niyang si Jolo Revilla at nananatiling malapit sa puso niya ang Revilla family.

 Balik-pelikula si Mark Anthony Fernandez sa Diyablo episode ng Shake, Rattle & Roll XI at katambal niya si Maja Salvador. Kundi kami nagkakamali, second Shake… movie ito ng aktor at sa title pa lang, mukhang nakakatakot na.

At least, may movie project nang maikukuwento si Mark ’pag mai-interview sa press visit ng Darna. Matagal ding naghintay ng right movie project ang aktor at ang Shake… nga iyon ay entry pa sa Metro Manila Film Festival.

Samantala, alam kaya ni Mark na maraming fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang nag-react sa kissing scene nila ng aktres sa Darna? Hindi naman galit sa kanya ang mga tagahanga, hindi lang nila ma-take na iba ang kahalikan ni Marian at sila ang nagselos para kay Dingdong.

’Katuwa pa ang iba at sana, wala na raw kasunod na kissing scene.

* * *

Ngayong Tuesday sa Stairway to Heaven, hindi sumunod kay Eunice (Glaiza de Castro) sa Cebu si Cholo (Dingdong Dantes) dahil busy na mapalapit kay Jenna (Rhian Ramos). Hindi rin sinasagot ng binata ang mga tawag ni Eunice, kaya siya agad ang hinanap pagdating.

Guilty si Jenna na hindi sinasabi kay Charlie (TJ Trinidad) na sa company ni Cholo siya nagtatrabaho. Bukod sa 12 designs, humingi ng another 12 designs si Cholo kina Jenna at Badet (Karen delos Reyes) at isa sa mga designs ni Jenna ang nagustuhan ni Eunice para sa kanyang wedding gown. Ipinatawag nito ang designer at nagulat nang makita si Jenna.

vuukle comment

BIRIT BABY

BONG REVILLA

CHARO SANTOS-CONCIO

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

EUNICE

LANG

LOVI

SAGRADA PAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with