^

PSN Showbiz

Andrea Del Rosario pang-indie na lang

-

MANILA, Philippines - Madalang nang makitang nagpapa-seksi ang da­ting Hot Babe na si Andrea Del Rosario. Pero ayon sa kanya, higit na mas liberated ang paki­ram­dam niya ngayon.

Ani Andrea, ang paglabas niya sa mga indie movies ang tunay na nagbibigay sa kaniya ng kalayaan bilang artista. “Sa independent movies kasi mas nabibigyan talaga ng freedom ang mga artista at direktor na i-express ang sarili nila,” paliwanag ni Andrea, na maglalaro kasama ang iba pang suki ng indie movies na sina Anna Capri at Jhong Hilario sa The Singing Bee ngayong Sabado (Oct 10).

Kahit na mas mababa ang kita, nae-enjoy naman daw niya ang mga ginagampanan niyang roles. Hindi na rin daw siya naikakahon sa pagpapaseksi lang. Sa katunayan, isang career-driven reporter ang ginampanan niya sa pinakahuling indie film na ginawa niya.

Sa The Singing Bee, may tsansa ang grupo ni Andrea na manalo ng P 2 milyon. Enero pa nang huling makamit ang jackpot sa hit videoke program ni Cesar Montano. Sila na kaya ang magiging ikalawang team-milyonaryo?

Maki-jam kina Andrea, Anna, at Jhong laban sa iba pang Pinoy pride tulad ng Halili ballet dancers, Philippine All-Stars, RP basketball team, RP ice hockey team at ang defending champions ng programa na comedy bar singers sa ikalimang season ng The Singing Bee ngayong Sabado (Oct 10), pagkatapos ng Tiagong Akyat sa ABS-CBN

vuukle comment

ANDREA

ANDREA DEL ROSARIO

ANI ANDREA

ANNA CAPRI

CESAR MONTANO

HOT BABE

JHONG HILARIO

PHILIPPINE ALL-STARS

SA THE SINGING BEE

SINGING BEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with