^

PSN Showbiz

Songbird keri kahit walang bra

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi lang sa six contestants ng Are You the Next Big Star? tumutok ang press na nanood sa grand finale ng talent search ng GMA 7, pati na sa host na si Regine Velasquez. Braless kasi si Asia’s Songbird pero dahil hindi malaki ang boobs, hindi masyadong halata at saka keri naman niya ang pagiging walang bra.

Samantala, member na rin ng Bench family si Regine dahil ilo-launch ang kanyang Reign and Songbird scents under HerBench. “Scents” ang nakasulat sa invitation, so ini-expect naming iba’t ibang variation ang i-endorse ni Regine.

Also, may bagong title si Regine, siya na raw ang “Cameo Role Queen” dahil sa sunud-sunod na pagka-cameo sa mga pelikula ng mga kaibigan at BF niyang si Ogie Alcasid. Una na sa OMG! ng Regal Entertainment, sumunod sa Kimmy Dora (Kambal sa Uma) ni Eugene Domingo at sa Spoiled Brat nina Ogie at Michael V na co-produced ng GMA Films at APT Entertainment at showing sa Sept. 23.

* * *

Sina Frencheska Farr at Geoff Taylor ang nagwagi sa Are You the Next Big Star? at tinalo nila sina Camille Cortez at Alex Castro na pumasok sa Top 4. The two have the voice, and the looks, para sumikat at susuportahan sila ng GMA Network dito.

Kabilang sa kanilang napanalunan ay condo unit sa Avida Towers New Manila, contract sa GMA Artist Center, P1 million cash from SM Supermalls, clothes worth P100,000 from Pepsi Herrera at Edwin Uy, at recording contract sa GMA Records.

Sa kanila rin ipinakanta ang mga victory songs na composition ng mag-asawang Raul Mitra at Cacai Ve­lasquez-Mitra. Ang kay Fren­ches­ka ay Show Must Go On at Heto Na ang kay Geoff.

Dahil sa perang napanalunan, matatapos na ang ipinapagawang bahay ni Frencheska at gagamitin naman ni Geoff ang ilang bahagi ng pera para maayos ang dual citi­zen­ship niya.

* * *

Na-miss ng mga kaibigan niya sa StarStruck si Marky Cielo nang mag-shoot ng StarStruck plug ang pro­dukto ng nasabing talent search noong Sabado. Kumpleto ang first batch nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, at Mark Herras. Sina Ryza Cenon, Mike Tan, at LJ Reyes lang ang dumating sa second batch, missing in action si CJ Muere na sabi ng friend namin, puro na raw tattoo ang braso at graduating ng nursing.

Sa Batch 3, wala si Iwa Moto kasi may taping at dahil wala si Marky, sina Jackie Rice at Gian Carlos lang ang present. Kumpleto rin ang Batch 4 nina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Jewel Mische, at Mart Escudero.

Para sa StarStruck 5 ang plug na ginawa ng grupo dahil sa Aug. 30 na ang launch nito, pero October pa raw ang airing at papalit sa Survivor Philippines: Palau.

* * *

Kundi kahapon ay ngayong Martes ia-announce nina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez kung aling simbahan ang napili nila para sa kanilang kasal sa Oct. 23. Filipino ang motif ng wedding, naka-Barong Tagalog si Sen. Mar at wedding gown na gawa ni Pepito Albert ang isusuot ni Korina.

Pati mga bulaklak, tubong Pilipinas at manggagaling sa Davao, Baguio, at Tagaytay at welcome kay Korina ang offer ng mga sponsors gaya ng shoes niya na gagawin ni Cesar Gaupo at may nag-offer na ring gagawa ng malaking wedding cake.

Kung matutuloy, magkakaroon ng wedding reception sa Plaza Miranda para ma-accommodate ang lahat na gustong bumati at makisaya kina Korina at Sen. Mar at mag-o-occular inspection na raw si direk Johnny Manahan.

vuukle comment

ALEX CASTRO

ALJUR ABRENICA

ARE YOU THE NEXT BIG STAR

ARTIST CENTER

AVIDA TOWERS NEW MANILA

BARONG TAGALOG

CACAI VE

CAMEO ROLE QUEEN

CAMILLE CORTEZ

KORINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with