^

PSN Showbiz

Kinatay pinintasan!?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Pinangatawanan ni Direk Dante Mendoza na hindi ipalabas sa commercial theaters ang nagpanalong pelikula sa kanya sa Cannes Film Festival bilang best director para hindi makatay ng Movie and Television Review and Classification Board.

Last Thursday night, nagkaroon ito ng special screening sa UP.

Maraming nagandahan, pero marami rin ang hindi gaanong impressed. Actually, mabilis na pinag-usapan sa internet forum ang reaction ng mga nanood at so far, may ilang namintas.

Sa Monday, may naka-schedule na namang special screening ang pelikula sa NCCA.

* * *

Sa next Monday na pala lilipad si Marian Rivera as Darna sa GMA 7. Ayon sa isang insider ng GMA 7, mas modern ang Darna ni Marian dahil mga bagets ang mga kontrabida.

Iba na rin ang nagsulat ng script, si Jun Lana.

Ang Darna ang papalit sa mamatapos na Zorro sa Friday.

Pero ayon sa source, iniiwasan na nilang ikumpara si Marian sa naunang nag-Darna para tapos na ang intriga.

* * *

Pagkatapos ng kanyang birthday last July 25, balik sa trabaho si Sarah Geronimo.

Kagabi nasa Waterfront Cebu si Sarah para sa continuation ng kanyang The Next One Philippine Tour.

Paniniguro ng isang kasama ni Sarah sa nasabing concert, na-excite ang Cebuano kaya sold out ang ticket doon.

Bago sa Cebu, nasa Lipa, Batangas ang nasabing concert, at sobra raw ang tao. Umaapaw daw ang venue.

Samantala, maraming nakapansin na tunog-imported ang bagong kanta niyana niri­nig sa radyo, ang Record Breaker na back­ground music sa kanyang Sunsilk shampoo commercial.

“Parang hindi si Sarah,” comment ng isang fan niya sa e-mail.

Buti na lang daw at pinapangalanan ng mga DJ sa radyo pag pini-play ang kanta, kung hindi malamang daw na hindi nila makilala ang kanilang idolo.

Lately nga kasi naman ay hindi na pinakikilala ng mga DJ ang mga kantang pinatutugtog nila lalo na pag local. Mas maigi pa nga raw pag foreign artist at super promote ang mga DJ sa FM radio.

True actually ‘yun.

Bukod sa music, marami ring naga­gandahan kay Sarah sa nasabing commer­cial ng shampoo.

Say nila, parang habang lalong tu­matagal, lalong nagbo-bloom ang bagets na box office queen. Kaya naman, maraming barakong pinag-iilusyunan na si Sarah.

Pero sabi ng isang malapit kay Sarah, malapit na itong ma-in love. Kinikilig-kilig daw ito sa isang bagets na nakilala niya kamakailan sa kanyang concert tour though ayaw pangalanan ng source.

vuukle comment

ANG DARNA

CANNES FILM FESTIVAL

DANTE MENDOZA

DARNA

JUN LANA

LAST THURSDAY

MARIAN RIVERA

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with