^

PSN Showbiz

Vic Sotto pinakawalan ng GMA 7

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Siguradong manghihinayang ang fans ni Nicole Scherzinger ng Pussycat Dolls sa nabalitaan naming out na siya sa pelikulang Wapakman, entry ng Solar Films sa Metro Manila Film Festival at bida si Manny Pacquiao. Sa sobrang busy, hindi makapagbigay ng schedule si Nicole para mag-shooting, eh, sisimulan na yata ni Direk Topel Lee ang pelikula.

Si Rufa Mae Quinto ang ipinalit bilang leading lady ni Manny na in fairness, kasing-seksi rin naman ni Nicole. Hindi natanong kung kasama pa rin sa cast si Batista, ang half-Pinoy Mixed Martial Arts champion.

Kasama rin sa cast si K Brosas bilang asawa ni Manny na nag-OFW sa Italy. Marami raw special effects ang pelikula at tao ni Jacky Chan ang kinuhang stuntmen ni Wilson Tieng ng Solar Films.

* * *

Si Vic Sotto na ang nagsabing nag-expire na ang kontrata ng Ful Haus sa GMA-7 at hanggang August 2 na lang ang sitcom nila ni Pia Guanio. Wala raw siyang tampo sa network at may option siyang kunin uli ang time slot na iiwan ng Ful Haus ‘pag natapos na ang Show Me The Manny nina Marian Rivera at Manny Pacquiao na papalit sa sitcom niya.

Nagpasubali si Vic na puwede niyang ilipat sa ibang station ang Ful Haus dahil ilang pihit lang  daw (TV5), pero pelikula ang priority niya ngayon. Sa August 19 na ang showing ng Love On Line nila ni Paula Taylor at gagawin din niya ang Ang Darling Kong Aswang na entry sa Metro Manila Film Festival.

Samantala, “more than I really expected” ang sagot ni Vic sa tanong kung na-meet ni Paula Taylor ang expectation nila to play the role of his love interest sa LOL. Magaan daw katrabaho ang dalaga at kasundo ang lahat sa set mula sa co-stars hanggang sa utility. Ibinuking pa ni Vic na malakas kumain si Paula.

Ang hindi natanong kay Vic ay kung totoong nag-renew na ng kontrata ang TAPE, Inc. sa Ch. 7 para sa Eat…Bulaga. May balita kasing nagkapirmahan na ang TAPE at network at mas mahabang taon daw ang pinirmahang kontrata, pero ‘di nabalita, kaya kaduda-duda. Mag-i-expire na sa December ang kontrata ng EB sa Channel 7.

* * *

Dapat sa Ang Darling Kong Aswang kasama si Jose Manalo, pero ipinalit siya kay Wally Bayola na naaksidente sa shooting ng Love On Line at ipinalit rin pala si Wally kay Richie ‘D Horsie na na-stroke sa shooting pa rin nang nabanggit na pelikula. Ang mangyayari, si Wally na ang papalit kay Jose sa Ang Darling Kong Aswang.

Nalito pala kami dahil sabi ni Jose, boluntaryo siyang nag-leave sa Eat Bulaga para asikasuhan ang estafa case na isinampa sa kanilang mag-asawa. Nahihiya raw siya sa GMA-7 at Eat Bulaga dahil nadadamay na wala namang kinalaman. May nagsabi namang pinag-leave muna siya ni Mr. Tony Tuviera para personal na maasikaso ang kaso.

Whatever! Ang importante, hinaharap ni Jose at ng misis niya ang estafa case na umabot sa P17 million at alahas ang involved. Kinuwento nitong sa katatapos na hearing, nagkasigawan ang misis niya at mga nag-demanda sa kanila. Kapag natapos ang kasong ito, hindi na uli papasok sa jewelry business ang misis ni Jose dahil nalugi na rin ang binuksan nitong dalawang pawnshops dahil ninakawan.

Isa pang rason sa pagli-leave sa EB ni Jose ay dahil apektado ang mga anak niya lalo na ang dalawang babae na ayaw nang pumasok sa school. Iyong bunso niyang three-year-old, nagtatanong kung wala na ba siya sa EB dahil two weeks na siyang ‘di napapanood at mukhang magtatagal pa ang pagkawala’t indefinite ang kanyang leave. Sa Wow! Hayop! na muna mapapanood si Jose at sa gabi-gabi niyang shows sa Klownz .

* * *

Ngayong gabi sa Adik Sa ‘Yo, hindi makalapit si Ruben (Dennis Trillo) kay Karen (Jennica Garcia) dahil guwardyado ito ni Roman (Jim Pebamco). Si Emilene (Chariz Solomon) ang gagawa ng paraan para magkausap ang dalawa. 

vuukle comment

ADIK SA

ANG DARLING KONG ASWANG

DAHIL

EAT BULAGA

FUL HAUS

LOVE ON LINE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PAULA TAYLOR

SOLAR FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with