Asawa ni Jose nagbabayad na
Pinagtawanan lang ni Vic Sotto ang pagdawit sa kanila ni Pia Guanio sa kaso ng wife ni Jose Manalo nang may magsumbong sa isang radio commentator na marami siyang kinuhang alahas sa asawa ni Jose dahil nanghihingi ng alahas si Pia at hinuhuthutan siya nito.
Pati ang relasyon ng GF sa mga anak ay ginawang isyu’t hindi raw ito gusto ng mga anak niya.
“In the first place, walang hilig si Pia sa alahas. Wala siyang malalaking brilyante at puro fashion accessories ang ginagamit. Sa Eat… Bulaga, ’pag nakita naming malungkot si Jose, niloloko naming makukulong para matawa. Sabi ko sa kanya, ’wag pansinin ang mga naninira at alam namin ang totoo. Naghi-hearing na ang kaso at nagbabayad ang asawa niya,” sagot ni Vic.
Sa kaso naman ni Wally Bayola, totally out na siya sa pelikulang LOL o Love On Line dahil sa tinamong aksidente nang mabali ang tatlong daliri ng paa. Binago nila ang ilang eksena at nag-reshoot, pero pinangakuan si Wally na isasama sa next movie niya.
August 19 na ang playdate ng pelikulang produced ng M-Zet TV, APT Entertainment, at OctoArts Films, kaya hindi na mahintay na gumaling si Wally na two months pinagpapahinga.
* * *
First shooting day ngayon ng movie nina Ogie Alcasid at Michael V. bilang sina Angelina at Yaya Rosalinda at sa direction ni Mike Tuviera. Kundi Yaya en Angelina, baka Whatever Yaya ang maging title ng movie ng mga hosts ng game show na Hole in the Wall ng GMA 7.
Kasama sa cast sina Iza Calzado, Leo Martinez, Roxanne Guinoo, Victor Aliwalas at gaganap na parents ni Angelina sina Jomari Yllana at Aiko Melendez sa kanilang reunion project. Inaabangan na ang pelikula nina Ogie at Michael V. na unang napanood sa Bubble Gang.
Co-produced ng APT Entertainment at GMA Films ang movie na kung nasimulan ng maaga, maganda sanang opening ng classes ang playdate. Nangako pala si Michael V na malalaman na ang kanyang apelyido sa movie, sana pati na rin ang apelyido ni Angelina.
* * *
Ipinakilala na ng GMA 7 ang Circle of 16 ng Are You the Next Big Star? Sila ang haharap sa mas matinding weekly challenges hanggang maging anim na lang ang matira. Sa kanila pipiliin ang two grand winners, isang lalaki at isang babae.
Isa sa mga 16 contenders si Frencheska Farr na bet agad ng ilang press people dahil magaling kumanta, matangkad at may dating. Gusto niyang ipakita ang kanyang talent at gagawin ang lahat para mapanalunan ang top prize.
Bukod sa exclusive management contract sa GMA Network, may recording contract sa GMA Records, P1 million pesos from SM Supermalls, at condo unit from Avida Land ang prizes na iuuwi ng winners. This Saturday, simula na ng botohan at mall tours ng grupo sa SM Valenzuela. May daily updates din sa SiS para malaman kung sino ang leading sa kanila.
* * *
Ngayong Martes mapapanood sa BBC channel ang pagi-guest ni Sen. Loren Legarda bilang isa sa mga participants sa BBC World Debate na ang topic ay Disasters: Prepare or React.
Sa UN Headquarters sa Geneva, Switzerland ito gaganapin sa imbitasyon ng World Debate producer na si Tim Butler at moderator si Nik Gowing ng BBC pa rin.
Inimbitahan si Sen. Loren dahil kinikilala siyang isa sa mga nagsusulong ng Disaster Risk Reduction at bilang prominent politician ng bansa na may karanasan sa paglutas sa mga problemang dala ng natural disaster at climate change. Sa June 30, ang balik ng senadora at habang wala siya, umeere ang bago niyang radio and TV.
* * *
Tuesday sa Adik sa ’Yo, dahil nakonsensya na sa kanilang lupain nahulugan ng niyog si Karen (Jennica Garcia), kukupkupin siya ni Ruben at pamilya nito.
Naki-simpatiya naman si Joana (Jolina Magdangal) kay Carlos (Marvin Agustin) sa ’di pagsipot ni Karen sa kanilang kasal, sabay silang nalasing at nagulat na paggising nila’y tabi sila sa kama at parehong hubad. Kinalimutan agad ni Joana ang nangyari at hinanap ang naglayas na kapatid.
Nag-krus na ang landas nina Karen at Ruben at may nangyari kina Joana at Carlos, simula na kaya ito ng maganda nilang pagtitinginan?
- Latest





















