^

PSN Showbiz

Maja hindi bagay maging Horror Princess

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

’Andun ako nang iprisinta sa media ang Circle of 16 ng Are You the Next Big Star? ng GMA 7. Ang gagaling nila, marami sa kanila ang pwedeng-pwedeng maging artista rin sa pelikula at TV. Bukod sa artistahin ang hitsura, may mga height din ang marami sa kanila.

Isa sa kanila, si Bobby Solomon, ay sa programa kong Walang Tulugan nagsimula. May kakambal itong kasama niyang kumakanta at sumasayaw. Nakalimutan ko lamang ang pangalan ng sing and dance group nila na pawang mga kabataan ang miyembro. Hindi na ako nagtaka na makita siyang kabilang sa Circle of 16 dahil magaling siyang kumanta at may hitsura rin.

Si Regine Velasquez ang nag-host ng media presentation. Kumanta pa muna ito bago nag-host. Hinahanap ko si Keempee de Leon na co-host ng singing show pero hindi ko ito nakita. Sayang, everybody would have loved to hear him sing.

Isa si Keempee sa mga marunong kumanta, bukod pa sa pagiging isang magaling na komedyante, pero bihira ang nakakaalam nito. Naging manager pa nga niya noon ang mom ni Pops Fernandez na si Dulce Lucban. Ito ang nagdala sa kanya para kumanta sa abroad.

I’m sure magiging guest sa Walang Tulugan ang Circle of 16. Kailangan nilang lahat ng promo para sila magkaroon ng exposure at makilala ng mga manonood sa TV bagama’t marami sa kanila ang nakalabas na sa TV bago pa sila naging contestant sa Are You the Next Big Star? Aber, tingnan nga natin kung may advantage ang pagkakaroon nila ng mas matagal na exposure sa mga talagang baguhang contestant.

* * *

Parang hindi naman bagay kay Maja Salvador ang taguring horror princess, eh ngayon lamang naman siya nag-bida sa isang horror movie, not unless na ituturing yung pagkakasama niya sa cast ng Patayin sa Sindak si Barbara na support lang ang role niya.

Maja is one such fine actress na nagkaroon ang ABS-CBN ng pagkakataong mai-develop kaya nga sa Villa Estrella ng Star Cinema, kahit silang dalawa ni Shaina Magdayao ang bida ay sa kanya ibinigay ang mas nakakatakot na role.

Nasa movie rin ang ngayon ay isa nang Kapuso na si Geoff Eigenmann. Silang dalawa ni Jake Cuenca ang love interest nina Shaina at Maja.

* * *

Kahapon ko lamang nakita, sa SOP, na talagang Fernando Jose ang dating ni Geoff Eigenmann. Ang ganda ng welcome na ibinigay ng GMA 7 sa kanila ni Carla Abellana na maganda rin pala. Bagama’t isa ring good looker ang tatay niyang si Rey “PJ” Abellana, hindi ko nakita ang tatay niya sa kaanyuan ni Carla. Siguro kamukha siya ng mom niya.

Next time, iinterbyuhin ko siya para sa kapakanan ng mga readers ng aking column dito sa PSN at maging ng Walang Tulugan. Promise!

* * *

Mag-iiwan pa ng maraming kaaway sa ABS-CBN si Cristine Reyes sa gagawin niyang pagbabalik sa GMA 7. Biruin n’yo, pati si Pokwang nakaaway niya pala? Hindi ba niya alam na ang mga text niya laban dito ay nakarating lahat kay Pokwang? Ipinakita rito ng pinagpadalhan niya? Inakala ba niyang kaibigan niya ang tini-text niya ng mga hindi magagandang salita laban sa komedyante?

Kung galit siya, mas bumilib pa ako sa kanya kung mismong komedyana na ang tinext niya at hindi yung kung kani-kanino pa.

Hay naku, Cristine, kung galit ka kom­prontahin mo ang kagalit mo, wala ng third party. Para kayo na lang ang may problema at wala ng nasasangkot pang ibang tao.

Maging lesson na ito sa iyo para hindi na muling mangyari pa. Lalo’t makakabalik ka ng GMA 7 na kung saan ay mga dating friends ang daratnan mo.

vuukle comment

ARE YOU THE NEXT BIG STAR

BOBBY SOLOMON

CARLA ABELLANA

CRISTINE REYES

DULCE LUCBAN

GEOFF EIGENMANN

NIYA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with