Sarah Geronimo bombshell ang dating
Grabe, mukhang pinagpapala talaga si Sarah Geronimo. Concert queen na, box office queen pa. Magaling sumayaw at kumanta, at mag-host.
Imagine, wala naman siyang pinakikitang skin or something, basta medyo sexy lang ang mga sinusuot niya, pero heto at contender pala siya sa FHM’s Sexiest Women in the World.
Ayon sa report ng PEP, sinabi ng managing editor ng FHM na si Mr. Allan Hernandez na: “Of late, Sarah has been showing a sexier side in concerts and TV appearances, getting more comfortable wearing those pop vixen get ups. It seems the boys are noticing that.
“Girl-next-door types are really as desirable as the bombshells,” sabi ng editor.
Dahil diyan, nasa wish-list ng future cover girls na raw si Sarah ayon pa sa report.
Kung sabagay, nasanay na kasi tayong mga malalaki lang ang boobs at daring actresses ang nakakasama sa listahan ng FHM kaya may kasamang gulat na kasama ang isang wholesome na artista, no boyfriend since birth, sa ganitong contest na pagandahan ng katawan at paseksihan.
Ilang taon ding hawak ni Katrina Halili ang trono sa pagiging No. 1 sexiest women, si Angel Locsin ay nanalo rin.
Sa mga fans ni Sarah, para magwagi siya vote na sa fhm100 to 2948 para makuha ang kumpletong listahan ng nominees o mag-log sa www.FHM.com.ph tapos sagutan at i-fax sa 637-2206. Hanggang June 15 lang ito.
Kasalukuyang nasa kanyang Philippine concert tour si Sarah na nagsimula last Friday sa Lipa, Batangas.
* * *
Bongga ang Passport Delivery Service ng Department of Foreign Affairs headed by Sec. Alberto Romulo (daddy nina Cong. Roman Romulo, Mons Romulo-Tantoco and Berna Puyat).
Imagine, para ka lang nag-order ng food over the phone, at presto, puwede mo nang ma-renew ang passport mo.
May hotline sila – 737-1000 or passport.com.ph – 24 hours – at hindi ka maghihintay sa phone once na tumawag ka.
Sasabihin lang sa ‘yo ang mga requirements and the following day, may pi-pick up ng mga kailangang documents kasama na ang application form na filled up at kailangan mo na lang i-double check ang information.
Dapat ready lahat ng documents plus payment at old passport pagdating ng pipik-up.
Sila rin ang magi-schedule ng personal appearance mo sa DFA. Pagdating doon may maga-assist, at bongga, hindi ka pipila. After five minutes, uwian na.
Di ba very convenient? Hindi ka mabibiktima ng maraming nag-aabang na mga nasa labas ng DFA office. Sure din na hindi ka mapepeke.
Wait pa ako ng nine days para naman sa delivery.
Wow, sana lahat ng mga ibang ahensiya ng gobyerno, may mga ganitong offer para hindi na nahihirapang pumila-pila pa ang maraming tao sa pagkuha ng mga kailangang dokumento.
Bahagi ang DFA Express Passport Delivery ng CitizenTeleservices Inc. ng pamahalaan na nine na palang nagi-exist.
Bukod sa passport delivery, meron din silang NSO Certificate Delivery 0 737-1111 and POEA Balik-Manggagawa OEC Delivery.
* * *
Nag-launch ng band competition – The Bandstand (Manila Ocean Park Band Showdown) – ang Manila Ocean Park na nasa likod lang ng Quirino Grandstand.
Ayon kay Ms. Armi Ruby Marie Cortes, VP Sales and Marketing ng Manila Ocean Park, ito ay para maka-attract sila ng market sa gabi.
Kasi nga naman, kahit ako, buong akala ko pasyalan lang talaga ang Ocean Park ng mga bata na gustong makakita ng isdang magaganda.
Pero ngayon, according to Ms. Armi, gusto nilang ma-develop ito – bringing together in one complex – bukod sa pagiging marine themed park na isang Oceanarium, a mall, restaurant row, hotel, swimming lagoons and multi-purpose function facilities.
Magsisimula ang kanilang first battle of the bands sa June 5 with 15 bands na kasama sa finals – Unveiled, Barrio Morning Glory, Takipsilim, SOTC, Synkryon, Join, Pancake 80, Raskals, Beer, Soulstich, Flow, The Moonflowers, Summer Guijo and Projects.
Ang mananalo ay mag-uuwi ng P100,000 cash and P100,000 live gig contract to perform at Manila Ocean Park at record deal sa Sony Music.
May elimination process bago makapili ng six finishers.
Tuwing elimination night, merong special guest performers: True Faith (June 12 and July 24), Nyoy Volante (June 19 and July 31), MYMP (June 26 and July 10), Urbanation (July 3 and August 14), Sino Sikat (July 17 and August 7) and The Dawn (August 21.)
Board of judges sina Eugene Villaluz, Myra Skarlet Ruaro and Jeffrey Hidalgo.
- Latest



















