^

PSN Showbiz

Saab Magalona unprofessional

RATED A - Aster Amoyo -

Ngayong naglipana na ang mga sex video ni Hayden Kho sa iba’t ibang babae, may mukha pa kaya siyang maihaharap sa kanyang pamilya at mga kaibigan? Ano kaya ang reaction dito ng kanyang nakabalikang girlfriend na si Dra. Vicki Belo?

Hindi na pinangalagaan ni Hayden ang kanyang imahe at propesyon bilang isang doktor. At habang mainit na pinag-uusapan ang sex video scandal ni Hayden, paano pa maka­kapag-move on si Katrina Halili at ibang ‘biktimang’ babae ng malaswang doctor.

Samantala, hindi ikinakaila ng ex-boyfriend ni Katrina na si Kris Lawrence na naapektuhan din siya sa sex video na kinasangkutan ng dating katipan pero nariyan lamang daw siya bilang kaibigan. Ang ironic dito, Careless Whisper na unang pinasikat ni George Michael nung dekada otsenta ang carrier single ng bagong album ni Kris under Star Records.

Carless Whisper din ang kinakanta-kanta ni Hayden habang nagpapagiling-giling sa sayaw silang dalawa ni Katrina sa isang pribadong kuwarto. Magustuhan pa kaya ni Katrina ang awiting Careless Whisper na naging ‘theme song’ nila ni Hayden sa kanilang private sexy dance?

Samantala, hindi kaya natatakot ngayon si Dra. Belo na baka pati siya ay kinunan ng video ng kanyang boyfriend in their most intimate moments? Ano sa palagay mo, Salve A.?

* * *

Unprofessional umano si Saab Magalona kaya ito inalis sa youth-oriented program ng TV5, ang Lipgloss na nasa ika-apat na season na. Ayon sa isang production executive ng nasabing programa, winarningan na umano nila ang nakababatang kapatid ni Maxene pero hindi umano ito nagbago kaya nag-desisyon silang alisin na lamang ang teener sa cast.

Nung panahon na kasama si Saab sa Lipgloss ay may problema ito sa kanyang pamilya kaya direkta siyang kausap ng mga taga-production. Nung malaman nila na okey na umano, sinubukan nilang kausapin ang ina nitong si Pia Magalona pero hindi umano ito nakipag-usap sa kanila. Mas inasikaso pa umano ni Saab ang pakikipag-boyfriend kesa sa kanyang trabaho kaya madalas umano itong ma-late sa taping.

Nanghihinayang lang kami kay Saab dahil mas kailangan niya ang trabaho ngayong wala na ang kanyang ama, ang Master Rapper na si Francis ‘Kiko’ Magalona.

Samantala, may mga bagong karagdagan sa cast ng Lipgloss tulad nina Lovi Poe, Benj Besa, Enz Guazon, Rhen Escano, Cherry Ann Kubota at Regine Angeles kasama ang mga datihang members tulad nina Maxine Eigenmann (Abby), Kevin Lapena (Edge), Louise de los Reyes (Louise), Charina Suzara (Julivee), Carlos Guevarra (Jose Mari), Nica Ibaviosa (Brent), Neil Coleta (Caloy), Zyrus Desamparado (Poknat) at ang discovery ng Talentadong Pinoy na si Jesa Mendoza (Carla) na malaki ang hawig sa dating That’s Entertain­ment at OctoArts talent na si Jennifer Mendoza.

Speaking of Lovi, hindi kami magtataka kung iintrigahin sila ni Saab dahil sa kanyang pagpasok sa Lipgloss na mapapanood na sa bagong timeslot, alas-5:00 ng hapon para bigyang-daan ang local franchise ng Who Wants to be a Millionaire? na magsisimula ring mapanood ngayong Sabado, Mayo 23.

* * *

Magbubukas ang Universal Studios sa Singapore at nangangailangan sila ng mga Filipino talents and workers doon. Sa Hong Kong Disneyland, nakakatuwang malaman na halos isang libong Filipino talents and workers ang nagtatrabaho, isang indikasyon na kahit saan ay kayang makipagsabayan ang mga Pinoy kung talent at sipag sa trabaho rin lamang ang pag-uusapan.

Sa aming recent visit sa Hong Kong Disneyland, nakakatuwang pagmasdan ang ating mga kababayaan doon na kasama sa parada. Iyong iba ay kasama sa banda habang ang iba naman ay kasama sa dance ensemble. Natutuwa rin sila kapag nakikita nila ang kanilang mga kapwa-Pinoy na nagi-enjoy sa panonood ng parada.

* * *

[email protected]

vuukle comment

ANO

CARELESS WHISPER

HAYDEN

KANYANG

KAYA

LIPGLOSS

SAAB

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with