^

PSN Showbiz

Joyce naghahanda sa bagong role

-

MANILA, Philippines – Kasalukuyang pinaghahandaan ng aktres na si Joyce Jimenez ang bago niyang role pero hindi sa pelikula kundi ang pagiging isang ina sa totoong buhay.

Pansamantalang isinasantabi muna ni Joyce ang pag-arte at paggawa ng pelikula para bigyan ng prayoridad ang kanyang pagbubuntis.

Dinadala ni Joyce sa kanyang sinapupunan ang anak nila ng asawa niyang si Paul Ely Egbalic. Inaasahang manganganak siya sa Oktubre. Ngayong buwang ito ay papunta siya sa Amerika para makasama si Paul.

“Gusto ko ring bumalik sa pag-aartista at paglabas sa pelikula,” sabi ni Joyce pero, ayon sa kanya, prayoridad niya ngayon ang kanyang pagbubuntis at ang pagiging ina. Dahil dito, wala munang showbiz para kay Joyce.

Gayunman, pinagkakaabalahan na rin muna ni Joyce ang kanyang local lingerie direct-selling business kaya tamang-tama ang pagiging endorser niya ng PLDT-SME Nation Negosyo Boost.

“Kahit nasa abroad ako, gusto ko pa ring pamahalaan ang aking lingerie business ka-partner ng Ever Bilena Cosmetics,” sabi pa ni Joyce na nakilala sa local showbiz bilang Pantasya ng Bayan. “At nakakatulong sa mga maliliit na negosyong tulad ng sa akin ang Negosyo Boost sa matipid na paraan,” dagdag ng aktres.

Sa PLDT-SME Nation Negosyo Boost, nagkakaroon ng bentahe ang mga start-up at medium business na tulad ng kay Joyce sa pagkakaroon ng broadband connectivity at business-enabling hardware devices tulad ng netbooks at printers.

Pero prayoridad talaga ni Joyce ang kanyang pagbubuntis. “Marami akong pinalagpas na showbiz offer at opportunities para makapag-concentrate ako sa aking pagbubuntis at paghandaan ang pagiging isang ina,” diin pa ng aktres.

Idinagdag ni Joyce na gusto niyang ma-enjoy nang husto ang pagbubuntis dahil ito ang kanyang unang pagdadalang-tao.

Pero nangako si Joyce na pansamantala lang ang pagkawala niya sa showbiz. Babalik din siya sa pag-aartista kapag lumuwag na ang kanyang mga tungkulin bilang ina.

“Gustung-gusto kong umarte. Malaking bahagi ito ng buhay ko,” sabi ni Joyce. “Ang showbiz ang naging dahilan kung ano ako ngayon. Tiyak na babalik ako.”  


vuukle comment

AMERIKA

EVER BILENA COSMETICS

JOYCE

JOYCE JIMENEZ

KANYANG

NATION NEGOSYO BOOST

NEGOSYO BOOST

PAUL ELY EGBALIC

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with