^

PSN Showbiz

JC at Jennica may inililihim

- Veronica R. Samio -

May mga nag-react nung i-deny ng Sole Survivor na si JC Tiuseco na nagkaroon sila ng short lived romance ni Jennica Garcia sa Showbiz Central. Marami kasi ang nakakita nung minsan ay kumain sila sa isang kainan sa Morato makatapos ang kanilang stint sa Unang Hirit. At one time din ay nakita silang nagka-kape naman sa Commonwealth Ave. Hindi nga nila namalayan na inabot na pala sila ng alas-dose ng gabi.

Hindi rin naman sigurado ang nakasaksi na there was more than friendship sa paglabas-labas ng dalawa at baka dahil unang nakapareha ni JC sa TV si Jennica kaya ispesyal ang turing niya rito pero, hindi sila kumbinsido na buong kainosentihan lang ang lahat. At bakit daw madaling sinabi ni JC na wala silang naging romansa ni Jennica, sa halip na sabihing magkaibigan sila. Mayroon daw ba itong pinangingilagan, hindi na ba ito libre at may nagma-may ari na, tulad nung girlfriend niya na ipinakilala niya sa Survivor? Just asking.

* * *

Muling mapapanood si Nikki Valdez sa pelikulang ginagawa nina Gob. Vilma Santos, John Lloyd Cruz at Luis Manzano sa New York. Nasa Canada lang naman si Nikki kung saan ay naninirahan ang aktres kasama ang kanyang napangasawa kung kaya agad nitong tinanggap ang offer ng Star Cinema.

Sa New York din kinunan ang kontrobersiyal na kissing scene nina Luis at John Lloyd pero ayaw ng Star Cinema na dito matuon ang pansin ng manonood dahil mas marami pang magaganda at mahahalagang eksena kesa rito. Hanggang sa May 12 na lamang magsu-shoot dun ang grupo pagkatapos ay uuwi na sila para dito na lamang kunan ang natitirang mga eksena.

* * *

Thank you sa Star Magic sa pamumuno nina Rikka Dylim na kahit matagal nang natapos ang birthday ko ay naisipan pa nilang isama ako sa mga birthday honorees ng April at May sa isang napakasayang sing-along night na ginanap sa World Music Room sa Greenhills Promenade. Andun sina Dennis Aguilar, Archie de Calma, Sandy Mariano, Rey Pumaloy, Rommel Placente at nang umalis ako ay marami pang hinihintay na iba.

Salamat din sa mga taga-PDA na sina Miguel, Liesel, Sheng at ang gf ni Miguel na matiyagang nag-guide at nakipag-duet sa amin kahit siguro sa loob nila ay natatawa sila sa lakas ng loob namin na makipagsabayan sa kanila.

* * *

Patuloy na inaabangan ng mga viewers ang mga eksena sa Kambal sa Uma.

Habang patuloy sa kanyang kasakiman si Celeste (Gina Alajar), patuloy naman si Milagros (Rio Locsin) sa kanyang pangarap na muling makita ang isa pa niyang anak na si Vira (Shaina Magdayao). Sunud-sunod naman ang pagdating ng mga taong nagsasamantala kay Ella (Melissa Ricks). Sa mga susunod na araw, magku-krus na ang landas ng magkapatid. May maramdaman kaya silang lukso ng dugo? Ano ang magiging reaksiyon nila sa isa’t isa? Patuloy na abangan ang mga kapana-panabik na mga eksena sa Kambal sa Uma weekdays sa ABS-CBN.

* * *

Akalain mo, nasa pangunahing posisyon ang lead singer ng bandang Delara at isa sa mga hosts ng Eat Bulaga na si Lougee Basabas sa ginaganap na World’s Sexiest Vegetarian ng PETA. Sinusundan siya ng mga modelong sina Isabel Roces at Raya Mananquil, Sen. Jamby Madrigal, Yasmien Kurdi, Chin Chin Gutierrez, Meryll Soriano, Juliana Palermo, Carlos Agassi, Raymond Bagatsing,Cory Quirino, Alicia Meyer at Geneva Cruz.

Ang iba, kilalang personalidad na naging vegetarian para mapangalagaan ang mga hayop, kalikasan at ang kanilang kalusugan at kasama rin sa listahan ay sina Anthony Kiedis ng Red Hot Chili, Kelly Clarkson, Alanis Morisette, Natalie Portman, Tobey Maguire, Barbie Su at marami pang iba. The poll runs through May 29th.

vuukle comment

ALANIS MORISETTE

ALICIA MEYER

ANTHONY KIEDIS

BARBIE SU

CARLOS AGASSI

CHIN CHIN GUTIERREZ

COMMONWEALTH AVE

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with