^

PSN Showbiz

Tadyang... ending na

-

MANILA, Philippines – Ngayong Biyernes, isang di malilimutang pagta­tapos ang mapapanood ngayong gabi sa umaati­kabong aksyon at drama sa huling gabi ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang sa GMA-7.

Matindi ang naging laban nila Homer (Dingdong Dantes) at Proserfina (Marian Rivera) para sa kanilang wagas na pag-iibigan. At sa bawat plano nila na magkasama at magkaroon ng isang tahimik na buhay, andiyan ang mga kontrabidang sina Rado (Paolo Contis) at Heleen (Angelu de Leon) para sila paghiwalayin o patayin.

Si Rado ang malupit na lider ng sindikato na naniniwalang sa kanya lang dapat si Proserfina. Tutol siya sa kasal kaya tumakas si Rado sa kulungan at hinostage niya ang pamilya ni Homer upang makuha o mapatay si Proserfina. Pero nanaig ang mabuti sa kasamaan dahil napatay si Rado at ang mga tauhan nito kagabi.

Huwag palagpasin ang makapigil-hiningang pagtatapos ng Carlo J. Caparas’s Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang ngayong gabi sa GMA Telebabad.


vuukle comment

AKING TADYANG

ANG BABAENG HINUGOT

CARLO J

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

NGAYONG BIYERNES

PAOLO CONTIS

PROSERFINA

RADO

SI RADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with