^

PSN Showbiz

Mother Lily walang tampo kina Juday at Ryan

-

MANILA, Philippines - Nagbabalak palang magbalik-pelikula ang dating Pantas­ya ng Bayan na si Joyce Jimenez after niyang makapanganak sa October.

“I would love to act and do a movie again,” sabi ng seksing aktres na negosyante na ngayon.

Pero ang kanyang showbiz plans ay isasantabi nga muna dahil sa ipinagbubuntis niya. Naka-sche­dule siyang umalis ngayong Mayo para samahan ang husband niyang si Paul Ely Egbalic sa United States at doon na rin manganak.

Actually, hindi sana priority ni Joyce ang mabuntis, pero maaga silang binigyan ng ‘regalo’ ng Diyos.

Pero ngayon, ini-enjoy niya ang kanyang pagbubuntis at super ingat siya sa kanyang mga kilos.

Aminado si Joyce na ang pagbubuntis ang priority.

“I passed up so many showbiz offers and opportunities para makapag-concentrate ako on my pregnancy and then being a mom,” dagdag pa niya.

 “But showbiz made me who I am now. I’ll be back, definitely,” sabi ng dating sexy actress.

Habang buntis, pina-plano na niya ang gagawin pagbalik ng bansa pagka-panganak.

May pangarap siyang isang action role na gustong gampanan, ‘yung tulad ng mga astig na karakter ng Hollywood actress na si Michelle Rodriguez. “That would be fun,” napangiti niyang sabi na hindi naman mukhang buntis.

Samantala, perfect timing naman ang pagdating ng PLDT-SME Nation Negosyo Boost sa kanya dahil ito ngayon ang ginagawa niya para maging in touch lagi sa sariling negosyo.

 “Even when I’m abroad, I’d still like to stay on top of my lingerie business partnership with Ever Bilena Cosmetics,” paliwanag ni Joyce. “At ang Negosyo Boost ay nag-o-offer sa mga maliliit na negosyo tulad ng sa akin na magampanan ang mga gawain effectively pero affordable.”

Dahil hindi siya puwedeng physically present lagi para sa mga kasosyo, malaking tulong kay Joyce ang laptop at wireless internet access. “They can quickly send pictures of the products. Puwede pa nga ang video conferencing kung kailangan,” sabi ni Joyce.

Anyway, ang PLDT-SME Nation Negosyo Boost, ang mga start-up and medium businesses ay makakakuha ng benepisyo ng broadband connectivity at mga hardware devices para sa negosyo tulad ng netbooks and printers sa isang package lang.

May tatlong packages na madaling bayaran buwan-buwan: Negosyo Launch, Negosyo Advance, at Negosyo On-the-Go.

* * *

Nag-react si Mother Lily Monteverde sa lumabas na nagtatampo siya dahil nalimutan siya ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncilllo sa kanilang kasal the other day.

For the record, ayon kay Mother, wala siyang tampo. Masaya nga raw siya dahil natupad ang pa­nga­rap ng dalawa na makasal ng tahimik.

vuukle comment

EVER BILENA COSMETICS

JOYCE JIMENEZ

JUDY ANN SANTOS

LILY MONTEVERDE

MICHELLE RODRIGUEZ

NATION NEGOSYO BOOST

NEGOSYO

NEGOSYO ADVANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with