Tadyang, Bubble Gang nasa video na!
() - April 19, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tag-araw na, at panahon na para mag-enjoy at mag-relax. Tumambay na sa harap ng inyong mga telebisyon at panoorin ang mga pinakabagong handog sa DVD ng GMA Records and Home Video.

Ngayong buwan, humagalpak sa katatawanan sa The Best of Bubble Gang sa DVD. Malayo na ang narating ng nakakabaliw na spoof show na ito na nagsimula sa GMA Network noong Oktubre ng 1995, at hanggang ngayon ay nananatiling paborito ng buong bansa. Makipagkulitan sa tropa nina Michael V. at Ogie Alcasid sa The Best of Bubble Gang sa DVD compilation ng kanilang pinaka­nakakatawang mga jokes— at may kasama pang mga spoof na dito lamang makikita. Mabibili na ang The Best of Bubble Gang sa halagang P350.

Mula sa katatawanan, panoorin ang aksyon at drama sa DVD release ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang Volume 1. Ang obra na ito ni Carlo J. Caparas ay bibigyang buhay ni Dingdong Dantes bilang Homer, isang mayaman at sistematikong negosyante, at ni Marian Rivera, isang maganda at misteryosang estranghera. Magigising si Homer na katabi si Proserfina, na siya ring biglang maglalaho. Hindi sinasadya ng lalaki na mahulog ang loob niya sa estranghera, at dito magsisimula ang gulo sa dating maayos na buhay nito.

 Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang Volume 1 ay mabibili sa halagang P225.

Huwag hayaang lumipas ang tag-araw nang hindi tumatakbo sa inyong mga paboritong SM Record Bars, Odyssey, Video City, Astroplus and Astrovision outlets, upang hindi maubusan ng kopya ng The Best of Bubble Gang at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang Vol. 1.


AKING TADYANG VOL AKING TADYANG VOLUME ANG BABAENG HINUGOT ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG VOLUME ASTROPLUS AND ASTROVISION BEST OF BUBBLE GANG CARLO J DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA MICHAEL V
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with