Glaiza at Patrick walang chemistry
MANILA, Philippines - Seen : Voice lesson ang kailangan ni Dennis Trillo. Sintunado ang boses niya sa lahat ng kanyang song number sa SOP kahapon.
Scene : Bitin ang mga nanood ng T2 dahil sa bandang huli, naging fantasy ang pelikula.
Nawala ang takot factor ng T2.
Seen : Pilit ang loveteam nina Glaiza de Castro at Patrick Garcia.
Wala silang chemistry.
Scene : If I Were A Boy ang kinanta nina Sarah Geronimo at Rayver Cruz sa replay ng ASAP kahapon.
If I Were A Boy din ang kinanta kahapon nina Janno Gibbs at Jolina Magdangal sa Easter presentation ng SOP.
Seen : Ang natural pouty lips ni BB Gandanghari. Hindi niya ginamitan ng collagen ang kanyang bibig.
Tinalbugan ni BB ang pouty lips nina Gretchen Barretto at Pops Fernandez.
Scene : May talent sa pagkanta si Kris Lawrence ngunit napag-usapan lamang siya nang ma-link kina Jasmine Trias at Katrina Halili.
Seen : Ang pagluluksa ni Chokoleit sa pagkamatay sa isang sunog ng kanyang ina. “I’m struggling on the state of lost” ang naka-post sa Facebook account ni Chokoleit.
Scene : Ang marathon telecast ng May Bukas Pa sa ABS-CBN noong Maundy Thursday at Good Friday.
Pinapanood ang May Bukas Pa dahil sa good moral values nito na ibinabahagi sa televiewers.
- Latest