^

PSN Showbiz

Jason Statham de-baterya ang puso

-

MANILA, Philippines - Sa maaksiyong pelikulang Crank na lumabas tatlong taon na ang nakalipas, ginampanan ni Jason Statham ang papel na Chev Chelios, isang hitman na literal na kailangang lumaban para manatiling buhay. Bente kwatro oras siyang pumapatay ng kanyang mga kalaban para tuluy-tuloy ang kanyang agos ng dugo at adrelanine - mahalaga para hindi kumalat ang nakamamatay na lason sa kanyang mga ugat.

Ngayon, nagbabalik si Statham para sa Crank: High Voltage kung saan ipinagpatuloy nito ang nakaraang kuwento sa naunang Crank. Magbubukas ang pelikula kay Chev na nabuhay sa pagkahulog mula sa isang gusali. Ngunit siya ay nakidnap ng isang Chinese gang. Tatlong buwan ang nakalipas, nagising si Chev at wala ang kanyang puso at pinalitan ito ng isang de-bateryang makina na nagbibigay-buhay sa kanya.

Makikita rin sa pelikula ang mga maaksyong eksena sa Crank: High Voltage, tulad ng isang umaatikabong car chase sa mga kalye sa Los Angeles. Nagawa nila ang mga ito sa tulong ng pag-shoot gamit ang HD (high definition) na camera at nakadagdag rin ito sa overall quality ng pelikula.

 Mapapanood na ng mga Pinoy sa Crank: High Voltage kung paano itotodo nina Mark, Brian at ng bidang si Jason ang aksyon sa nasabing pelikula simula April 17 nationwide sa tulong ng Viva International Pictures.

CHEV

CHEV CHELIOS

HIGH VOLTAGE

JASON STATHAM

LOS ANGELES

MAGBUBUKAS

MAKIKITA

MAPAPANOOD

VIVA INTERNATIONAL PICTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with