^

PSN Showbiz

Shake i t sa Tag-init

-

MANILA, Philippines - March 7 pa lang, inilunsad na ng TV5 ang kanilang Shake it sa Tag-init! summer campaign. Talaga namang nangunguna ang TV5 sa paghahatid ng mga payanig ngayong summer dahil sandamakmak na pakulo ang kanilang inihanda at in fairness, sa rami ng naka-line up na events at activities e siguradong feel na feel ang saya.

Iniimbitahan ang lahat sa bonggang-bonggang TV5 LIVE Caravan, ang ikalawang hataw na gaganapin sa May 1 sa SM Mall of Asia. Pumunta na rin sa kauna-unahang TV5 beach party na binansagang Hirit sa Tag-init! sa White Beach, Puerto Galera on May 9. Meron ding special screenings ng umaatikabong pelikulang Angels and Demons sa May 15, at Terminator 4 naman sa May 27 sa Greenbelt 3 Cinema 2, na sinusuportahan naman ng pagpapalabas sa 5Max Movies ng kanilang prequel na Da Vinci Code sa May 9 at Terminator 3 sa May 23 only on TV5 at 9pm. 

Karagdagang 5MAX Movie event ay ang libreng barangay pa-sine ng mga paborito niyong blockbuster movies kagaya ng Madagascar, Shrek at Tomb Raider ni Angelina Jolie, na sasabayan din ng Talentadong Pinoy barangay auditions-parehong magaganap sa buong buwan ng Mayo.

Syempre pa, enjoy din ang mga bagets sa mga nakakatuwang TV5 Nick shows lalo na sa top-rating show na Spongebob Squarepants kung saan pwedeng manalo ng mga bonggang papremyo sa Where’s Gary? promo. Para naman sa mga anime fanatics, nandiyan ang Anime Cosplay event at summer EB na gaganapin sa Robinson’s Pioneer sa May 9.

 Bumisita lang sa TV5 website, www.tv5.com.ph, para sa karagdagang impormasyon kung paano makasali. 

vuukle comment

ANGELINA JOLIE

ANGELS AND DEMONS

ANIME COSPLAY

DA VINCI CODE

MALL OF ASIA

PUERTO GALERA

SPONGEBOB SQUAREPANTS

TALENTADONG PINOY

TOMB RAIDER

TV5

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with