LT ready nang magtrabaho
May bago akong bestfriend at Pinky Tobiano ang kanyang name. Si Pinky ang produ ng H.O.P.E. CD ni Lorna Tolentino sa Star Records.
Nagkakilala kami ni Pinky sa presscon ng bagong CD ni LT. Naging bestfriend ko siya dahil tinupad niya ang kanyang OPM sa akin. Kung anuman ‘yon, sa aming dalawa na lang.
Cancer survivor si Pinky. Naging magkaibigan sila ni LT nang magkaroon ng kanser si Rudy Fernandez.
Si Pinky ang kasama ni LT nang pumunta ito sa Holy Land para magkaroon ng spiritual healing.
Malaking tulong si Pinky kaya nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni LT na makapaglabas ng CD album para sa memory ni Rudy Ang Rudy Fernandez Cancer Foundation at Pinky Cares Foundation ang mga beneficiaries ng mga kikitain ng H.O.P.E. CD.
* * *
Touched na touched ako sa prologue at epilogue ni LT sa Volume 2 ng H.O.P.E. CD na may pamagat na Wings of The Soul.
Ang ganda ng pagkaka-deliver ni LT sa prologue at epilogue na isinulat ni Bibeth Orteza.
Nagustuhan ko rin ang 12 songs sa CD album, ang Far From Home at Kalooban Mo na kinanta ni LT.
Ang pagkanta ni Sharon Cuneta sa Special Memory, Let It Be ni Aga Muhlach, ang Doon Lang nina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Phillip Salvador, ang Stand By Me nina Boyet de Leon, Ricky Davao, Edgar Mortiz at Bodie Cruz, ang I’ll Be There For You/I Will Be Here ni Piolo Pascual at ang Ikaw Lamang ni Gary Valenciano.
Bago nagsimula ang presscon, nagsindi ng kandila si Pinky para kay Rudy. Naniniwala raw siya na naroroon si Daboy ng mga oras na ‘yon.
Mabibili na sa mga record bars ang touching CD album ni LT. Take note, gold na ang unang volume ng H.O.P.E. CD kaya naglabas ng volume 2 ang Star Records.
Ang sipag-sipag ni LT na mag-promote ng album. Willing nga siya na pumunta sa ibang bansa para ma-promote niya sa TFC ang project nila ni Pinky.
Sulit na sulit ang ibabayad ng mga bibili ng album dahil talagang nakaka-inspire ito. Hindi nakakahiyang irekomenda ang album.
* * *
Nakapili na si LT ng kuwento para sa guesting niya sa Maalaala Mo Kaya (MMK). May taping na siya sa March 28 at March 30.
Natagalan ang pag-apir ni LT sa MMK dahil ayaw niyang ma-diappoint ang kanyang mga tagahanga.
Matutuwa na ang mga fans ni LT dahil malapit na uli nilang mapanood sa TV ang kanilang idol. Hindi na siguro magtatampo ang kanyang fan na panay ang pagpapadala sa akin ng e-mail dahil bihira raw akong magsulat tungkol sa mga activities ni LT. Wala akong isinusulat noon dahil busy pa si Lorna sa pag-aasikaso sa musoleo ni Rudy na ipinagagawa niya.
Malungkot pa si LT kaya na-delay nang husto ang pag-apir niya sa TV. Naintindihan ko ang kanyang sitwasyon dahil nine months pa lang na nawawala si Daboy.
* * *
Watch ninyo ngayong hapon ang Startalk dahil maglalabas ng statement ang Kapuso management tungkol sa pagkuha ni Manny Pacquiao sa ABS-CBN bilang media partner.
Done deal na ang partnership ni Manny at ng ABS-CBN dahil kung hindi pa sila nagkakaayos, hindi maglalakas-loob ang Kapamilya network na maglabas ng statement.
Makarating kaya sa korte ang problema ni Manny at ng Solar Sports? ‘Yan ang katanungan na hahanapan ng sagot ng Startalk.
- Latest


























