^

PSN Showbiz

John Lloyd ingat na ingat

- Veronica R. Samio -

Music video pa lamang ng You Changed My Life ang ipinalalabas pero may mga nakaringgan na agad ng mga salitang daring na raw si Sarah Geronimo ngayon. Agresibo na sa mga romantic scenes nila ng kapareha.

Nang tanungin naman siya kung anong level na ang mga love and kissing scenes nila ni John Lloyd Cruz, tumawa na naman si Sarah at sinabing panoorin na lamang ang pelikula niya.

Meron ba o wala pa ring kissing scenes ang dalawa sa sequel ng kanilang A Very Special Love?

Sabi ni John Lloyd, hindi naman daw ang mga ganitong eksena ang kailangan sa isang love story. O ang maging basehan para masabing effective ang movie nila. Meron pa naman daw ibang mahalagang factor, gaya ng ganda ng istorya.

 “Pero, iningatan ko siya sa mga love scenes namin. Ibinigay ko lang kung ano ang kinakailangan, kung ano ang hinihingi ng direktor,” anang aktor na sa A Very Special Love ay ninakawan lang ng halik si Sarah pero, dito sa You Changed My Life ay nakahalik na ng may permiso ni Sarah, ’di nga lang niya sinabi kung sa labi o kung sa alin mang bahagi ng katawan ni Sarah.

 Idinagdag din ni Lloydie na ayaw sana niyang gumawa ng sequel ng kanilang first team-up ni Sarah.

 “Nakakatakot dahil baka hindi namin malampasan o ma-equal man lamang ang success nung first. But I’m hopeful na maabot din ng sequel yung naabot ng prequel,” saad niya.

Iba na ang level ng kilig na ibibigay ng You Changed My Life. Una, hindi na basta nagliligawan ang dalawa, may relasyon na sila ngayon. Ito ang nagsilbing malaking challenge sa direktor na si Cathy Garcia Molina kaya binigyan niya ng lalim ang love story ng dalawa ngayon.

Palabas na ang You changed My Life sa Feb­ruary 25.

* * *

True to his promise ng isang masarap at masaganang tanghalian, nabundat ang media na dumalo sa launching ng Cosmetologie ’09, ang pinaka-unang beauty and wellness event na itinataguyod ng The Philippine International Cosmetologists’ Association na pinamumunuan ni Fanny Serrano bilang pangulo.

Pero, hindi lamang sa pagpapaganda kilala si Fanny, kilala rin siya sa pagkakaroon ng isang kainan, ang Secret Café, na napakasarap ng mga inihahaing mga recipe na palaging ‘secret’ ang makukuha mong sagot kapag tinatanong mo na kung paano ang mga ito iniluluto.

Ang daming handa sa launching, pinaka-masarap ang laing kaya nag-take out pa ang ilan sa mga kasamahan ko. Winner din ang chicken galantina, cordon blue, rellenong bangus, pansit canton at sotanghon, sinigang na maya-maya sa miso, caldereta, Cebu lechon na hindi na isinasawsaw sa sarsa, casava cake at rice cake na pinipig.

Tinatawagan ng PICA ang lahat ng baguhang make-up artists sa bansa na dumalo at lumahok sa mga paligsahan (hair coloring, hair cutting, hair extension, tattooing, atbp.) na inihanda ng mga organizers para sa kanilang trade show na magaganap sa SMX Convention Center sa Pebrero 26, 27 at 28.

Makakapanood ka pa ng isang natatanging musical show, fashion show, makakalahok sa mga seminars para sa beauty trends, make-up techniques at mabibigyan ng oportunidad para sa negosyo. Ang daming probetso, hindi ba sa registration fee na P200 lamang.

* * *

Kasama ang Kimerald sa Kapamilya Karavan sa Baguio. Join sila sa naggagandahang parada ng mga bulaklak at masayang street dancing sa The Park ng SM Baguio City sa March 1, Linggo, 4 p.m. para sa inaabangang annual flower festival o mas kilala bilang Panagbenga Festival.

Lalong madadagdagan ng kinang at excitement ang event dahil makakasama nila ang dalawa sa pinakamaiinit at pinaka-in demand na young stars sa industriya ngayon — ang mga bida ng nangungunang primetime teleserye na Tayong Dalawa, sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

BAGUIO CITY

BUT I

CATHY GARCIA

CONVENTION CENTER

FANNY SERRANO

GERALD ANDERSON

YOU CHANGED MY LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with