^

PSN Showbiz

Kapitbahay nag-protesta sa sinabi ni Victor Wood

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Marami ang nagulat nang mapanood si Miriam Quiam­bao sa ABS-CBN last Saturday sa Wowo­wee, kung saan isa siya sa judges ng Miss Fitrum contest. Nakausap siya ng isang reporter at tinanong kung may chance na lumipat siya sa Ch. 2?

“Kung may ibibigay silang project sa akin” daw ang sagot ni Miriam at ibig sabihin, malaki ang posibilidad na magkaroon siya ng show sa Dos kung may offer na kanyang magugustuhan at ng manager niyang si Annabelle Rama.

Nagtanung-tanong ang reporter na nakausap ni Miriam at nalamang wala na itong kontrata sa GMA-7 at wala na ring regular show sa network. Nagpahayag din ito sa kagustuhang magseryoso na sa kanyang acting career at kung ang Ch. 2 ang makakapagbigay nito sa kanya, hindi naman siguro hahadlang ang Ch. 7.

* * *

Kabilang na si Keempee de Leon sa Kapuso star na brokenhearted dahil bago mag-Christmas last year, itinigil na niya ang online na panliligaw sa Fil-Chinese-Canadian na nakilala niya sa Facebook. Na­basa ng actor sa Faceboook account ng girl na hindi siya kasama sa priority nito, kaya right then and there, tinapos ang panliligaw dito.

Na-realize nitong hindi magwu-work sa kanila ang long-distance relationship dahil nasa Canada ang babae na look-alike nina KC Concepcion at Ciara Sotto. Excited pa namang ibinalita ni Keempee na magbabakasyon dito sa summer ang girl at chance na nilang magkita, pero kahit dumating ito, hindi na siya interesadong makipagkita rito.

Tingin namin, mabilis naka-recover si Keempee sa nangyari sa inaasahang bagong pag-ibig dahil nali-link siya ngayon kay Sheena Halili na kasama niya sa Lalola pagkatapos ibuking ng actress sa Showbiz Central na sinabi ng actor sa kanya na crush siya nito.

“Naaaliw ako sa kanya at siya ang mga tipo kong babae, tsinita at cute. Nalaman ko, Capricorn din siya, pareho kami ng ugali. Mabait din siya, ‘di lang sa akin, sa lahat ng tao at staff. Most of the scenes, kami ang magkasama at parang nag-bonding kami,” say ni Keempee.

Kagigising lang ni Keempee nang mapanood ang SC at nagulat sa sinabi ni Sheena kay Mo Twister na crush siya ni Keempee. Okey lang daw sa kanya ‘yun dahil totoong in-admire niya ang actress at okey sa kanya kung muli silang pagsamahin after Lalola.

Kundi Thursday, Saturday na ang last taping nina Keempee at sa 17 weeks na umeere ang Lalola, mami-miss niya ang gay character niyang si Gary. Kay direk Dominic Zapata at sa tumulong sa kanyang buhayin si Gary siya nagpapasalamat. 

* * *

May nag-react na kapitbahay ni Victor Wood sa nasulat naming plano ng singer na ibenta ang lahat ng kanyang ari-arian for P46 million dahil walang mag-aalaga sa mga ito ‘pag siya’y namatay. Sabi ng neighbor ni Victor, sana hindi kasama ang bahay na tinitirahan nito sa balak nitong ibenta dahil hindi raw nito solong pagmamay-ari ang bahay.

Ikinuwento sa amin ng kapitbahay ni Victor na ang alam niya, conjugal property ang bahay at ng second wife ng singer at ‘di niya ito maibebenta kung walang consent ng babae. Pero, aminado ang nakausap naming neighbor ni Victor na marami itong paintings na ‘pag nabenta lahat ay magkakapera ito ng malaki.

* * *

Sa Luna Mystika, makikita ni Celestina (Heart Evangelista) ang pagba­bagong anyo ni Dante (Gardo Versoza). Mabubuksan na ang puno ng kampol dahil kay Celestina. Samantala, hahanapin nina Luna (Heart) at Andoy (Luis Alandy) si Celestina sa kakahuyan.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

CIARA SOTTO

DAHIL

DOMINIC ZAPATA

GARDO VERSOZA

HEART EVANGELISTA

KEEMPEE

KUNDI THURSDAY

LALOLA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with