^

PSN Showbiz

BB namimigay ng mga damit panglalake

- SEEN SCENE -

Seen : Ang pagpapalit ni BB Gandanghari ng wardrobe. Dinidis­patsa na ni BB ang mga damit panglalake na ginamit noon ni Rustom Padilla. Desidido na si BB na mamuhay bilang isang tunay na babae.

Scene :  Gimik para sa stageplay na pagbibidahan ni BB Padilla ang imbitasyon sa  mga TV crew na i-cover ang pagdating niya sa international airport ngunit hindi gimik ang kanyang intensyon na maging ganap na babae. New Yorker na New Yorker ang itsura ni BB nang dumating siya ng bansa.

Seen : Sina Isabel Rivas at Lorna Tolentino sa huling gabi ng lamay para kay Doña Mary Ejercito sa St. John The Baptist Church noong Biyernes.

Scene : Binulungan pa si Aljur Abrenica ng kasama para batiin niya ang mga reporter  na kanyang nakita sa isang pagtitipon. Mahina ang memorya ni Aljur. Kulang din siya sa PR.

Seen : Satisfied ang Star Cinema sa box-office result ng Love Me Again. Puno ng manonood  ang dalawang sinehan ng Love Me Again sa Gateway Mall.

Scene : Ang book signing ni Ricky Lee sa January 24 2008 sa National Bookstore SM North Edsa branch para sa kanyang libro, ang Para Kay B.

Seen : Ang pakikiramay ni Chavit Singson kay ex-President Joseph Estrada dahil sa pagpanaw ng ina nito. Muling napatunayan na totoo ang kasa­bihan na walang permanenteng kaibigan o kaaway ngunit permanente ang personal na interes.

Scene : Ang damage control para kay Marian Rivera ng mga nagmamalasakit sa kanya dahil sa nala­lapit na pag-uumpisa sa telebisyon ng  Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. May mga kinakausap na sila upang tulungan si Marian.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG

CHAVIT SINGSON

GATEWAY MALL

LORNA TOLENTINO

LOVE ME AGAIN

MARIAN RIVERA

MARY EJERCITO

NATIONAL BOOKSTORE

NEW YORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with