^

PSN Showbiz

Downloading sa internet malaking problema ni Edu

- Veronica R. Samio -

Hindi na itinatago nina Senador Mar Roxas at Korina Sanchez ang kanilang relasyon. Katunayan, sa belated Christmas party na ibinigay ng magaling na senador para sa entertainment press na ginanap sa White House sa Araneta Center bukod sa kanyang ina at mga kapatid, mga tiyahin at kagawad ng kan­yang staff, nakatulong ni Senador Roxas sa pag-iisti­ma ng kanyang mga bisita ang kanyang magandang nobya.

Hindi na nga lihim ang limang taong relasyon ng dala­wa. Inamin sa amin ng matikas na senador na patuloy na nagiging matatag ang kanilang relasyon. Magkasama nilang ipinagdiwang ang Kapaskuhan. Lumabas sila ng bahay, kumain sa labas at pagka­tapos ay nanood ng sine.

“Ganun lang ka-simple kung lumalabas kami. Minsan gusto naming kumain ng matamis, pumunta kami sa Razon’s para mag-halo-halo pero nagka­taong wala kaya pumunta na lang kami ng Jollibee at bumili ng peach/mango pie,” kwento ng senador.

“I continue to be in love with her. Hindi isyu ang kasal sa amin, marriage will come in due time. Ang importante we’re together and we’re happy,” sagot niya sa pangungulit ng press kung kailan sila paka­kasal.

* * *

Bonggang magbigay ng party si Edu Manzano, kasalukuyang chairman ng Optical Media Board (OMB), sa entertainment press. Kahit nahuli ang seleb­rasyon nito dahil sa kaabalahan niya sa kanyang trabaho, bumawi naman siya. Bukod sa tatlong rounds ang naging pa-raffle niya, napakasarap ng tanghalian na ipinahanda niya sa Rustica restaurant. Marami sa mga nahuling dumating na press ang personal niyang sinilbihan.

Ang maganda sa party ni Edu, masaya ito dahil kasali siya sa pagdiriwang, personal siyang nag-aabot ng mga premyo sa mga nananalo at kilala niyang lahat ang mga bisita niya.

Kahit ayaw ng inter­view dahil party daw iyon at hindi presscon, naga­wa pa rin ng mga movie writers na makakuha ng ilang impormasyon sa kanya. Tulad ng hindi niya pagtanggi na may ilang organisasyon na nag-iimbita sa kanya na tumakbo sa 2010. Pero, wala pa siyang tinatanggap.

Sinabi niya na malaking porsyento na ang nabawas sa problema nila tungkol sa piracy. Pero pinalitan naman ito ng mas malaking problema sa pagda-download sa internet. At dito nakatali ang mga kamay nila dahil wala pang batas na nagagawa tungkol dito.

“But we will continue with our job against piracy.

At sana dumating ang araw na makagawa ng batas kontra sa mga nagda-download ng libre,” sabi niya.

* * *

Sa kabila ng resesyon na ramdam na ramdam na sa US, napuno ang New Orleans Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada noong December 27 hindi la­mang ng mga Pilipino kundi maging ng mga dayuhan nang magkaroon ng concert dun ang kinilalang undisputed Jukebox Queen ng Pilipinas at ngayo’y kilala sa Las Vegas bilang Queen of Music na si Imelda Papin.

Humanga ang lahat sa galing ni Imelda na kasamang nag-perform ang Mr. Entertainer ng Las Vegas na si Tony Zacca, ang mga internationaI recording artists na sina Peggy Blu at Oren Waters, ang anak ni Imelda na si Marie France Imelda (Maffi) na nagbigay ng isang magandang dance interpre­tation ng isang komposisyon ni Vehnee Saturno na pinamagatang Contradiction at ang mga kapatid na sina Gloria at Aileen.  

Ang palabas ay dinirek ng Grammy winner na si Ted Perlman. Producer ng show si Oscar Parel, CEO ng 618 International Entertainment, Inc. Ito rin ang nagprodyus ng album ni Imelda na pinama­gatang Voice of the Heart.

Nasa Cache Creek Hotel & Casino sa California si Imelda sa Enero 24; Morongo Hotel & Casino, LA, March 14; at balik sa New Orleans Hotel & Casino sa Abril. Forthcoming shows include performances in San Diego, CA at Hawaii.

Mayroon ding radio show si Imelda na napapakinggan tuwing Linggo sa KLAV 1230 AM Radio (The Talk of Las Vegas.)

vuukle comment

ARANETA CENTER

EDU MANZANO

IMELDA

IMELDA PAPIN

INTERNATIONAL ENTERTAINMENT

JUKEBOX QUEEN

LAS VEGAS

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with