^

PSN Showbiz

Ex-dyowa ni Pauleen nagsinungaling???

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sigurado ako na magiging in-demand si Jolina Magdangal sa mga showbiz talk show dahil marami ang gustong makaalam sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Bebong Muñoz.

Magsalita kaya si Jolina o i-reserve niya sa Unang Hirit ang kanyang mga sasabihin. Co-host si Jolina ng Unang Hirit at imposibleng hindi mapag-usapan ang break-up nila ni Bebong.

Kaya watch natin ngayong umaga ang Unang Hirit para sa mga puwedeng sabihin ni Jolina.

Marami ang nanghinayang dahil matagal na ang relasyon nina Jolina at Bebong. Ang akala nga ng lahat eh mauuwi na sa kasalan ang kanilang relasyon. Hindi pala. That’s life.

* * *

Naloka ako sa pictorial ni Yasmien Kurdi para sa PETA. Talagang inilagay siya sa loob ng hawla at kasama niya ang dalawang puting manok.

Effective ang pictorial ni Yasmien dahil pinag-uusapan ang litrato nila ng mga white chicken.

Hindi kumakain si Yasmien ng karne kaya effective siya na endorser ng PETA. Matagal nang vegetarian si Yasmien. Tsismis lang na nakita siya na kumakain ng chicken barbeque.

* * *

Nangayayat ang nanay ni Marky Cielo dahil dinamdam niya ang maagang pagkamatay ng kanyang anak.

Nakakadurog ng puso ang eksena na umiiyak si Mommy Mildred dahil miss na miss na niya si Marky.

Naging malungkot ang Pasko at Bagong Taon ng Cielo Family, lalo na ni Mommy Mildred. Ipagdasal natin sila na malampasan ang mga pagsubok at ang sobrang kalungkutan na nararamdaman nila.

* * *

Naloloka si Pauleen Luna dahil napanood niya ang VTR interview ng Startalk  sa kanyang ex-boyfriend na si Mayor Sherwin Gatchalian.

Sa interbyu, sinabi ni Mayor Sherwin na nag-text sa kanya si Pauleen ng Merry Christmas noong Pasko. Eh iba ang sey ni Pauleen. Never daw siyang nag-text sa kanyang ex-dyowa. Parang na-i-imagine ko ang dialogue ni Pauleen na “ Someone’s lying and that’s not me!”

* * *

Hindi ko nakita si Kris Aquino sa The Buzz kahapon at dahil wala siya, true ang pralala noon na hanggang 2008 lang si Tetay sa talk show ng ABS-CBN.

Si AiAi Delas Alas ang co-host kahapon nina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez sa The Buzz. Hindi lang ako sure kung permanent co-host na si AiAi na nagluluksa dahil sa pagkamatay ng kanyang fadir dear.

Nagbati naman kahapon sina Rufa Mae Quinto at DJ Mo sa Showbizi Central. Can’t afford na maging magkaaway sina Rufa Mae at DJ Mo dahil magkasama sila sa isang show.

vuukle comment

BAGONG TAON

BEBONG

BEBONG MU

DAHIL

JOLINA

MOMMY MILDRED

PAULEEN

UNANG HIRIT

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with