^

PSN Showbiz

Sarah aagawin ni Piolo kay John Lloyd!

- Veronica R. Samio -

Hindi mo masisisi kung ituring man ni Sarah Geronimo na isang matagumpay na taon sa kanya ang 2008. After all, naging extra busy siya. Da­lawang beses siyang nag-concert sa Ara­neta Coliseum, at pa­rehong sell out ang mga ito. Nagkaroon siya ng concert tour sa US, nakagawa ng isang block­bust­er movie at tumang­gap ng four music awards. Masisisi mo ba kung nakangiti siya habang nagsu-swimming sa kanyang bagong tayong four bedroom house sa Mindanao Avenue?

“Hindi pa po talagang completely finished pero, tinirhan na po namin. Mga kasangkapan na lamang ang kulang,” sabi niya sa thanksgiving dinner na ibinigay para sa entertainment media na ina-acknowledge niya sa malaking tulong sa tagumpay ng kanyang career.

Nung Disyembre 3 ay nagsimula na ang shooting ng kanilang balik-tambalan ni John Lloyd Cruz. Pinamagatang You Changed My Life, sequel ito ng matagumpay nilang A Very Special Love na itinuturing ng marami na pinaka-nakakakilig na pelikula ng nakaraang taon gayong wala naman silang relasyon ng kanyang kapareha at taken na ito, may girlfriend na!

Tatangkain naman ni Piolo Pascual na higitan o agawin ang naging tagumpay ng movie nina Sarah at Lloydie. Merong inihahandang pelikula na sila naman ni Sarah ang magkapareha. Knowing Sarah and her big crush on the actor, kilig na kilig sigurado ito!

Bago natapos ang 2008, ini-release ang OPM Sarah na naglalaman ng mga movie theme songs kasama na ang theme song ng Baler, ang Ngayon, Bukas at Kailanman. Ang Baler ang Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) entry ng Viva Films na napiling pinakamagandang pelikula sa MMFFP ’08.

Pagkatapos ng pagpapalabas ng You Changed My Life sa Pebrero 25, tutulak pa-US ang Pop Princess para naman sa concert tour ng The Next One. Tatagal ito hanggang sa buwan ng Abril at dadalhin siya nito sa 14 cities sa Tate.

Pagbalik niya rito, limang lungsod naman sa probinsiya ang dadalawin niya at sa huling quarter ng 2009, mga Oktubre o Nobyembre, may concert na naman siya sa Araneta Coliseum.

Wala na talagang magiging panahon si Sarah sa iba pang bagay pero, wala siyang reklamo. Katu­nayan, inaasahan niyang matutuloy ang paggawa niya ng dalawa pang album at ilan pang komersyal.

Whew!!! Sanay na siya!

* * *

Ito na ang pagkakataon n’yong maging artista. Naghahanap ang Maalaala Mo Kaya ng isang artistang babae na may pleasing personality, edad 21-25 years old, may taas na 5’4”, tumitimbang ng 254 lbs., 45-50 inches ang sukat ng baywang, hanggang balikat ang buhok, morena at may konserbatibong imahe.

Kung nasa inyo ang mga katangiang ito, mag-audition ngayong Martes, Enero 2, 3-7 p.m. sa ELJ Tower sa The Loop at hanapin si Ms.Toni Catu. Pwede siyang tawagan sa 0916-5580605 o 415-2272 loc. 5126/5113.

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

ANG BALER

ARANETA COLISEUM

JOHN LLOYD CRUZ

MAALAALA MO KAYA

METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES

MINDANAO AVENUE

NEXT ONE

YOU CHANGED MY LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with