^

PSN Showbiz

Rufa Mae inabswelto ang sarili

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ang ganda siguro kung nagkaharap sa Show­biz Central ang dalawa sa mga hosts nito na nasasangkot ngayon o nadadawit sa hiwalayang Drs. Vicki Belo at Hayden Kho na sina Rufa Mae Quinto at DJ Mo Twister. Pero hindi nakarating si Mo kaya si Rufa Mae lamang ang napanood na nagawa namang iabswelto ang kanyang sarili sa isyu.

Poor Rufa Mae. Bakit kaya palagi siyang nadadawit sa mga ganitong bagay? Tuloy ayaw matanggal-tanggal yung image niyang playgirl?

Sana naman yung mga naghihiwalay, gawin n’yo ang paghihiwalay n’yo ng matahimik para naman walang inosente na madawit. Sa kaso ng dalawang doktor, ’di lang si Peachy (palayaw ni Rufa Mae) ang nasangkot, pati rin si Katrina Halili. Paano naman kung wala silang kinalaman, eh ’di nasiraan na sila ng puri, ’di ba?

* * *

Malaki at masayang balita para kay Marian Rivera yung sinabi ng isang manghuhula sa isang TV show na magiging taon pa rin niya ang 2009. Lalo pa raw magniningning ang kanyang star.

Sad kasi ang mga fans niya dahil marami ang nagsasabi na hindi magiging maganda ang takbo ng career niya dahil sa pagkakasangkot niya sa hiwalayang Dingdong Dantes-Karylle. Pero pinabulaanan nga ito ng nasabing psychic sa TV.

Dapat matuwa na si Marian. Kung hindi nga totoo ang mga balita, wala siyang dapat ipangamba.

* * *

Dapat siguro mapanood na sa TV yung nanalong Sole Survivor sa pakontes ng GMA 7 na si JC Tiuseco. Ito naman ay para mabigyan ng inspiration ang susunod na gustong maging kalahok sa part 2 ng Survivor Philippines. Naging matagumpay ang reality search kung kaya dapat din sigurong maging mas matagumpay ang part two.

* * *

O sino na ba ang nangunguna sa takilya sa mga Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) entries?

Noong una mukhang the fight was between Vic Sotto (of the TVJ trio) and AiAi delas Alas. Siguro naman by this time, meron nang mga boxoffice winners. Pero, anuman ang maging resulta, gusto kong kumita lahat ang mga entries sa filmfest.

vuukle comment

DAPAT

DINGDONG DANTES-KARYLLE

HAYDEN KHO

KATRINA HALILI

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES

MO TWISTER

PERO

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with