^

PSN Showbiz

Matapos suriin, Didith namatay sa heart attack

-

Camp Vicente Lim, Laguna – Atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng singing sensation ng dekada sitenta na si Didith Reyes matapos matagpuang walang buhay sa loob ng bahay ng kanyang kaibigan sa Biñan, Laguna noong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Dr. Roy Camarillo, Medico Legal Officer ng Philippine National Police Region 4A, namatay si Reyes (Helen Sta Maria sa tunay na buhay) sanhi ng Myocardial Infraction o atake sa puso habang ito ay natutulog.

Sa ginawang post mortem examination ni Camarillo wala umano itong natagpuang foul play na posibleng ikinamatay ni Reyes. “Wala ring kaugnayan sa kanyang pagkamatay ang sinasabi niyang pagkakabangga ng sasakyan na naging sanhi ng kanyang mga pasa sa katawan dahil wala naman nakitang internal injuries,” ani Camarillo.

Ayon naman kay Chief Superintendent Ricardo Padilla, Region 4 police director, dumating si Reyes sa bahay ng kaibigang si Girlie Antolin sa #282 Floro Compound, Zone 5, Rosal St. Barangay Sto Domingo tatlong araw bago siya namatay na may mga pasa sa katawan dahil umano sa pagkakabangga sa kanya ng sasakyan. Nakaramdam umano ng panghihina si Reyes noong Martes ng gabi hanggang hindi na ito magising kinabukasan.

Dagdag ni Camarillo na posibleng pangalawang atake na sa puso ni Reyes batay na rin sa mga palatandaang nakita sa kanyang puso habang isinasagawa ang otopsiya.

Sinabi pa ni Camarillo, ang Myocardial infraction ay kilala rin sa katawagang heart attack na kung saan nagbabara ang daloy ng dugo sa puso sanhi na rin ng maraming dahilan tulad ng mataas na cholesterol, pamumuo ng white blood cells sa dingding ng artery at labis na paglapot ng dugo.

Ang mga simtomas ng myocardial infraction ay ang pananakit ng dibdib na gumagapang sa bandang kaliwang braso at leeg, pangangapos ng hininga, pagkahilo, pagsusuka, palpitations, pagpapawis at pagkabalisa.

Nakilala si Reyes sa mga pinasikat niyang awiting Araw-araw, Gabi-Gabi   Nananabik, Hindi Kami, Damong Ligaw, Hatiin Natin Ang Gabi at Bakit Ako Mahihiya? noong 1970s at 1980s. Tinagurian din siyang Jukebox Queen noong kanyang kapanahunan. (ArnelL Ozaeta)  

AYON

BAKIT AKO MAHIHIYA

CAMARILLO

CAMP VICENTE LIM

CHIEF SUPERINTENDENT RICARDO PADILLA

DAMONG LIGAW

DIDITH REYES

DR. ROY CAMARILLO

FLORO COMPOUND

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with