^

PSN Showbiz

Survivor may sumpa!

-

Apat na Castaway na lang ang natitira sa Survivor Philippines at isa sa kanila ang maaaring mag-uwi ng bagong kotse.

Sa susunod na Immunity Challenge, ang mananalong Castaway ay papipiliin kung kukunin niya ang Immunity necklace o ang bagong kotse.

Kung alin man sa dalawang ito ang hindi niya mapili, kailangan niyang ibigay sa kanyang ka-tribo.

Ang mga natitirang miyembro ng Chalam na sina Charisse Yacapin, JC Tiuseco, Rob Sy at Cris Cartagenas ay may pagkakataong manalo ng Immunity o kotse. Pero ang isa sa kanila ang maaaring tamaan ng sumpang kaakibat ng kotseng premyo o ang tinatawag na Survivor Car Curse.

Bahagi na ng tradisyon ng Survivor ang mamigay ng premyong kotse kapag ilang Castaway na lang ang natitira sa laro. Pero kasama ng tradisyong ito ang tila sumpa na kung sino man ang manalo ng kotse ay matatanggal sa tribo.

Hindi tiyak kung dahil ito sa kamalasan o sadyang mali lang ang istratehiya ng mga natanggal na Castaway. Pero hindi rin masabing nagkataon lang ang mga pagkatalo dahil lagi itong nangyayari. Dahil dito, ginagamit itong oportunidad ng mga Castaway para matanggal ang mga kalaban sa laro.

Magkatotoo kaya ang sumpa sa Survivor Philippines?

O maging masuwerteng senyales kaya ito para sa magiging Pinoy Sole Survivor?

Malalaman ang mga kasagutan sa mga huling yugto ng Survivor Philippines tuwing gabi pagkatapos ng Lalola.

vuukle comment

BAHAGI

CHARISSE YACAPIN

CRIS CARTAGENAS

IMMUNITY CHALLENGE

PERO

PINOY SOLE SURVIVOR

ROB SY

SURVIVOR CAR CURSE

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with