^

PSN Showbiz

Ina ng magaling na singer masyadong maepal

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Ang mismong ina ng isang young female singer ang itinuturong dahilan ng marami kung bakit hindi maka­sipa nang husto ang career ng batang singer. Malawak na ang kanyang kasikatan, kung sino-si­nong magagaling na international singers na ang kan­yang nakakasama pero ang tanong, bakit hanggang ngayon ay wala pang sumusugal na prod­yuser para bigyan ng malaking concert ang batang ito?

Nakakalungkot kasing isipin na kung saan-saan na siya nakararating at matatagumpay naman ang kanyang mga performance, pero bakit sa sarili nating bansa ay malagihay lang ang pagtanggap sa kanya?

“Yung nanay naman kasi ng batang yun, palaging nakasimangot. Masyadong maepal. Parang siya pa ang unang nilakihan ng ulo at hindi ang anak niya!” kuwento ng isang source.

Malaki ang nagiging epekto sa mismong per­former kapag ganun, natatakot magbigay ng break ang maraming producers dahil baka lang sila mag­karoon ng problema, ganun ang nakikita namin sa sitwasyon ng dalagitang singer.

“Okey lang namang nakabantay siya palagi sa anak niya, most traveled mother na nga siya ngayon dahil sa anak niya, pero sana lang, huwag siyang maldita.

“Hindi na nga kagandahan ang bukas ng mukha niya, nega na ang dating ng itsura niya, pumapel pa ba kapag merong kumukuha sa serbisyo ng anak niya?

“Ayan tuloy, puro sikat na international singers nga ang nakakasama ng anak niya, nakakatikim pa ng standing ovation, pero bakit dito sa atin, wala siyang solo concert kung saan maipakikita niya nang todo ang husay niya sa pagkanta?

“Nakakaawa naman ang bata, siya ang naaa­pektuhan sa mga pinaggagagawa ng nanay niya!” inis na pahayag ng aming impormante.

Totoo nga ba na nung mag-recording ang young female singer na ito sa isang kumpanya ay sakit ng ulo ang inabot ng mga namamahala sa recording?

“Day, sa pamimili pa lang ng mga songs na isa­sama sa album nung bata, umiral na ang kaepalan nung madir. Kesyo hindi raw bagay ‘yun sa anak niya dahil bagets pa, pero tingnan n’yo naman kung paano manamit ang anak niya, nagmamadali na siyang magdalaga sa itsura niya!

“Dusa talaga ang mga nakatrabaho nila sa re­cord­ing, masyado talagang pasaway ang nanay ng batang yun!” konklusyon pa ng aming source.

* * *

Huling-huli ni Mommy Rose Flaminiano na ine-encash sa kanyang bangko ng may hawak ng kanyang tseke na pineke ni Joy Gonzales ang pirma ang isa sa dalawang tseke niyang nawawala na one hundred thousand ang halaga.

Meron na silang usapan ni Melany Reyes na mag­ka­tulong nilang kakasuhan si Joy, pero masyado yatang naniwala ang babae na pirma nga ni Mommy Rose ang nasa tseke, kaya pumunta ito sa bangko para mag-withdraw.

Ang hindi nito alam ay nai-report na ni Mommy Rose ang dalawang tsekeng nawawala sa kanyang booklet, alarmado na ang kanyang bangko, kaya nung magpunta dun si Melany at isang nagngangalang Bryan ay personal itong sinadya ng prodyuser sa bangko.

Nabigo ang nagwi-withdraw, “signature differs from file” ang naging komento ng teller, napaiyak sa sobrang sama ng loob ang babaeng pinagpalitan ng tseke ni Joy.

Nagpasabi na rin si Gabby Concepcion na wala itong iniuutos kay Joy para magpapalit ng tseke, walang katotohanan ang alibi ng kanyang dating road manager na kailangang-kailangan ng pera ng aktor, ipit na ipit na ngayon sa sitwasyon ang napakalakas ng loob na si Joy.

Nag-report na sa mga pulis si Melany Reyes, naka-blotter na si Joy Gonzales, kakasuhan nito ang road manager dahil sa panloloko sa kanya.

“Paano naman ang pera ko, one hundred thou­sand yun, matagal kong inipon ‘yun, pero basta na lang ba yun mauuwi sa wala?” emosyon pa ng babae.

vuukle comment

ANAK

GABBY CONCEPCION

JOY GONZALES

KANYANG

MELANY REYES

MOMMY ROSE

MOMMY ROSE FLAMINIANO

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with