^

PSN Showbiz

TV 5 may kalog na pakulo!

-

Wagi ang lahat ng nanonood sa TV5 dahil sa bagong pakulo nito nang Kalog, Ka-load! promo, kung saan namimigay ang TV5 ng hanggang P5,000 worth ng load kada text ng mga masuwerteng viewer na nakatutok sa Channel 5 araw-araw hanggang February 15, 2009.

Upang manalo, abangan lamang ang two keywords na ipapakita sa TV5 bawat oras simula 10 a.m. to 10 p.m araw-araw. Ang unang makakapag-text ng tamang keyword na ipinakita sa TV screen sa loob ng valid time period (tuwing 30 minuto) ay siyang mananalo ng instant load. Bawat oras, dalawang mapalad na texters ang magwawagi.

Maaaring ipadala ang mga sagot via text sa 3456 para sa Smart, Talk N Text, and Globe Pre-paid subscribers. Maaari ring makatanggap ang bawat texter ng ringtone at logo subscriptions kada tamang keyword na ipapadala sa nasabing numero.

Maliban sa hanggang P5, 000 cellphone load na pwedeng mapanalunan araw-araw, maaari ring manalo ang mga texter ng P5,000 cash prize sa pagsali sa Kalog, Ka-load Plus!. Simula naman ito sa December 15, 2008, tatawagan ng isang TV5 host ang maswerteng subscriber ng Kalog, Ka-load Plus! upang tanungin ng isang trivia question. Kapag nasagot ng subscriber ang tanong, magwawagi siya ng P5,000 cash prize. Ganoon lang kadali magwagi!

Para makasali sa Kalog, Ka-load Plus!, mag-register lamang at i-text ang REG NAME/COMPLETE ADDRESS/BIRTHDATE/GENDER (e.g. REG Yoanna Garcia/10 Acacia St. Legazpi Village, Makati/Dec1í75/F) at ipadala sa 3456.

Makakamit ng Kalog, Ka-load! Winners ang instant load na premyo sa kanilang mobile phone via electronic load sa loob ng 24 hanggang 72 hours ng pagkapanalo. Makakatanggap naman ng tawag mula sa network ang mga maswerteng magwawagi ng P5,000 halaga ng load at P5,000 cash.

Abangan ang mas malalaki at mas exciting second season shows na handog sa inyo ng Shake Mo, TV Mo, TV 5.

ABANGAN

ACACIA ST. LEGAZPI VILLAGE

ARAW

BAWAT

GLOBE PRE

KALOG

LOAD

SHAKE MO

TALK N TEXT

YOANNA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with