Dumami ang fans dahil sa CD
Nakatulong pala kay MMDA Chairman Bayani Fernando ang pagsali sa Celebrity Duets na malapit na ang finals. Feeling niya, bigla siyang nagkaroon ng fans na nagtitilian sa tuwing makikita siya.
At hindi lang basta nagtitilian, nagpapa-pirma pa ng autograph.
Noon kasi, although kilala na siya, hindi raw siya tinitilian. Yung iba nga, parang takot pa siyang lapitan porke’t cabinet secretary siya. Pero nang regular na siyang napapanood sa CD, bongga, bigla siyang sumikat.
Marami pa ang nagpi-predict na siya ang mananalo dahil marami raw itong puwedeng ipuhunan para ipang-text. Pero nag-deny si BF, wala na raw siyang budget para sa text brigade.
Pero ayaw magsalita ni BF kung sino pa sa natitirang mga contestant sa Celebrity Duets ang mahihirapan siyang makalaban.
Andiyan pa sina Joey Marquez, Carlene Aguilar, Phil Younghusband and JC Buendia.
Si Gary Valenciano ang wini-wish niyang maka-duet sa finals dahil ito raw ang kino-consider niyang idol pagdating sa kantahan.
In fairness, never palang inambisyon ng chairman ng MMDA na maging singer. Pero nadiskubre niya na may boses pala siya at puwedeng karerin ang pagkanta. (Shirley P.)
- Latest

























