^

PSN Showbiz

P A S A B O G !

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Maaga pa lang ay lumikha na ng ingay ang kolum namin sa pahayagang ito kahapon. Napakaaga naming nakatanggap ng mga mensahe sa text, lahat ay nagtatanong, ano-ano raw ba ang tinutukoy naming pasabog ngayong hapon sa The Buzz tungkol kay Nadia Montenegro?

May isang kaibigan kami sa kolehiyo na tumawag sa amin, nakikiusap ito, “Sis, baka naman puwedeng i-preempt mo na ang mga sasabihin mo mamaya sa The Buzz, baka naman puwedeng bigyan mo na ako ngayon ng sample kung gaano katindi ang mga ibubulgar mo about Nadia?

“Ang pagkakaalam ko lang kasi, e, talaga namang sawsawera siya, you’re right when you said na para siyang bawang. Oo nga, palagi siyang kasali sa mga issues, she gets involved talaga, palagi siyang kasahog sa kung ano-anong controversy,” komento ng aming kaibigan.

May isa namang nagsabi sa amin na nung nagsasalita siya sa The Buzz ay parang wala siyang takot sa mundo, parang ang linis-linis niya, ano raw ba ang nakatakda naming rebelasyon sa The Buzz ngayong hapon?

Meron ding nagtanong kung bakit naman kasi pinayagan ng talk show na magsalita ng ganun katindi si Nadia, si Boy Abunda na raw mismo ang nagsabing tahanan din namin ang The Buzz, pero bakit pinabayaan ng produksiyon na ganun ang mangyari?

Ang totoo, bago nagdesisyon ang programa na i-guest nang live si Nadia ay ipinaalam muna nila yun sa amin, ang sabi pa nga ni Louie Andrada, kung ayaw naming mag-guest si Nadia ay pababayaan na lang nila ang isyu, pero kung papayag kami ay itutuloy nila ang plano.

Lagi kaming parehas, binibigyan namin ng pagkakataong makapagbigay ng panig ang kabilang kampo, pumayag kami.

Pero hindi na kontrolado ng staff ang bibig ni Nadia, kung anuman ang mga pinagsasabi niya nung Linggo nang hapon ay sarili na niyang pananagutan yun, hindi ng aming staff.

* * *

Nung malaman namin ang nangyari kay Mommy Linda Montenegro sa Amerika ay nag-alala kami, pero isang kapamilya nila ang nagsabi sa amin, si Nadia ang dapat umako ng responsibilidad sa nangyari sa kanyang ina.

“Yung mga bira niya sa iyo ang ikina-highblood ni mommy, hiyang-hiya siya sa iyo, pinakiusapan na niya si Nadia noon pa na huwag na siyang magsalita, pero umarya pa rin siya,” sabi ng aming kausap.

Komento pa rin ng kapamilya ni Nadia ay bakit siya ang humaharap ngayon sa mga camera ng telebisyon para upakan kami ni Mommy Rose Flaminiano, bakit daw hindi si Gabby Concepcion ang kumompronta sa problema, dinisenyo ba ng aktor si Nadia para ipambala sa kanyon?

Problema na yun nina Gabby at Nadia, kung anuman ang kanilang usapan ay silang dalawa lang ang nakakaalam, pero may katotohanan ang opinyon ng kapamilya ni Nadia kung bakit siya ang nagsasalita ngayon sa ngalan ni Gabby.

Unang posibilidad, siguro’y nagmagaling na naman si Nadia, siguro’y sinabihan niya si Gabby na siya na ang sasalo sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nila.

Very Nadia yun dahil kahit sa kanyang mga kaibigan ay ganun ang kanyang sinasabi. Siya na ang magsasalita, siya na ang kokompronta sa problema, kaya nga tinatawag namin siyang bawang na kasahog sa lahat ng lutuin.

Matagal na siyang pinagsasabihan ng kanyang karelasyon na tumigil na sa pakikialam sa buhay ng ibang tao, noon pa siya pinangangaralan ni dating Mayor Boy Asistio na tantanan na niya ang pakikisawsaw sa mga intriga, pero nakinig ba si Nadia?

Hindi ba’t nabubulaga na lang ang pulitiko dahil kaladkad na naman ang panga­lan ng ina ng kanyang mga anak sa mga problemang kung tutuusi’y hindi naman siya direktang kasangkot pero pinapasukan niya?

Ganun katigas ang ulo ni Nadia, tama ang kanyang sinabi na wala na siyang planong mag-comeback (meron pa ba siyang babalikan?), pero siguro’y gusto pa rin niyang napag-uusapan siya.

Kaligayahan na siguro niya na natututukan siya ng mga camera, ang naiilawan siya sa entablado, kaya kahit anong laban ay pinapasukan niya.

vuukle comment

BOY ABUNDA

GABBY CONCEPCION

KUNG

LOUIE ANDRADA

NADIA

NIYA

PERO

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with