^

PSN Showbiz

Pagod ni John nawawala kay Shaina!

- Veronica R. Samio -

Naghubad nga ba si John Prats sa bago niyang teleserye? Ang sabi niya, naka-cycling shorts daw siya at hindi naman totally nude sa isang eksena sa Tiny Tony, ang pinaka-latest Mars Ravelo super hero na nabasa sa komiks noon at ngayon ay mapapa­nood na sa TV at ang pagkakataong magampanan ang title role ay naibigay kay John Prats.

Ang eksena ay sumabog ang isang laboratoryo na kung saan may ginagawang eksperimento ang doktor na ginagampanan ni Pen Medina at ang assistant niyang si John. Dahil dito ay lumiit ng anim na pulgada si John at siyempre lahat ng gamit niya sa katawan ay naging malaki at maging ang lahat ng nasa paligid niya. Kinailangan niyang gumamit ng papel para pantakip sa kanyang katawan pero maki­kita na muna ng audience na hubad siya.

“Mahirap ang role ko kung tutuusin dahil madalas mag-isa lang akong kinukunan, lalo na kapag maliit na ako samantalang yung mga co-actors ko—Alex Gonzaga, Coco Martin, Aaron Villaflor, Susan Africa, Gerald Acao, Mura, atbp.—ay magkakasama sa taping bilang mga magkakasin­laking tao. Sila palaging take one lang pero ako nakakaabot hanggang take seven dahil maraming reaksyon ang kailangang kunan,” ani John na meron ding kissing scene kay Alex pero maging dito ay parang nadaya siya dahil magkahiwalay silang kinu­nan ng kapareha.

“Mahirap din yung mga fight scenes dahil palagi akong naka-harness dahil supposed to be ay naka­kali­pad ako at kahit wala akong kaeksena, may mga emotions na kailangan kong maibigay at ang POV kailangang palaging tama. Sumakit din ang singit ko sa tagal ng pagkakatali,” ani John na hindi naman nagrereklamo, nagkukwento lang.

Inamin din niya na nagsilbing pampa-relax niya tuwing makakatapos siya ng taping ang kanyang girlfriend na si Shaina Magdayao.

“Siya ang nagbibigay lakas sa akin kapag pagod na pagod na ako,” pagmamalaki ng aktor na bukod sa matagumpay ang career masaya rin ang lovelife at maging ang kanyang negosyong billboard printing.

* * *

Swerte namang ’di ako inatake sa puso nang manood ako ng premiere ng Mag-ingat Ka sa Kulam ng Regal Films at tinatampukan nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo. Talaga namang sobrang nakakatakot ang pelikula. Lahat yata ng eksena ay mapapalundag ka sa gulat. Alam ko na naman na apektado ako dahil bumilis ang tibok ng aking puso. At hindi ko pa tiningnan lahat ng eksena, pinakinggan ko lamang. Nagkakataon lamang na kapag tinatanggal ko ang aking kamay sa aking mga mata ay palaging ang mukha ni Maria ang natitiyempuhan ko.

Ang Kulam ang pinaka-nakakatakot na pelikula ng Regal pero eto naman ang gusto nating mga Pinoy. Sa atin sulit ang ibinabayad sa takilya kapag lumabas tayo ng sinehan na namumutla dahal ibig sabihin lang wagi ang pelikula na matakot tayo.

o0o

Isang eye-opener ang episode ngayon gabi ng Maalaala Mo Kaya sa direksyon ni Jeffrey Jeturian sa pagbibida ng mga batang artistang tulad nina Ella Cruz, Jacob Dionision, Kristel Fulgar, Gemmae Custodio at Carlo Lacana, pati na rin nina Lotlot de Leon at Lito Pimentel.

Siguradong pag-uusapan na naman ang episode na ito tungkol sa isang batang bugaw na lumaki sa hirap at gumanap ng solusyon sa kahirapan sa maling impluwensya.

* * *

Akalain mo yung isang empleyado ng Makati City Hall ang naging-unang milyonaryo ng Gobingo.

Matapos ang ilang buwang pamamayagpag sa puso ng mga manonood, may nakapag-uwi na rin sa wakas ng pinakaaasam na isang milyong pisong papremyo.

Ang home viewer na si Rodolfo Morales ay nanalo ng tumataginting na P1,150,000 sa panonood lamang ng Gobingo. Labis ang kanyang kasiyahan nang makita at mapanood sa telebisyon ang paghayag sa kanya bilang pinakaunang milyonaryo ng Gobingo.

Bukod sa nakatayang P1M papremyo, naghihintay pang maiuwi ang isang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P1M sa mga studio contestants. Sa huling dalawang linggo ng Gobingo, tiyak na punung-puno ng sorpresa at naglalakihang papremyo ang nakahandang ipamigay sa lahat ng mga home viewers at studio contestants.

Mga hinahangaan at batikang direktor sa industriya ang makakasama ni game master Arnell Ignacio at Gobigirl Krissa Mae. Ang mga kalahok na sina Soxie Topacio, Manny Castañeda at Mark Meily ang maglalaban-laban at mag-uunahang makapag-uwi ng brand new car.

vuukle comment

AARON VILLAFLOR

AKO

ALEX GONZAGA

ANG KULAM

ARNELL IGNACIO

CARLO LACANA

COCO MARTIN

GOBINGO

JOHN PRATS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with