^

PSN Showbiz

Howie D. tinulungang mag-promote si Sarah

-

Super busy si Sarah Geronimo lately. Ang rason, madalas silang magkasama ng America’s singing heartthrob, si Howie Dorough ng Backstreet Boys. 

Yup, nasa bansa si Howie para sa promo ng I’ll Be There, ang carrier single ng latest album ni Sarah na Just Me under Viva Records.

Ni-record ni Sarah at Howie and I’ll Be There sa Los Angeles at in fairness super impressed si Howie D. sa pop princess kaya nga nagpunta pa siya sa bansa para tumulong sa promo ng album ng bagong box-office queen.

Madali naman silang nagkasundo at naging comfortable si Sarah nang gawin nila ang music video ng I’ll Be There.

Anyway, bukod sa promo ng album, busy na rin si Sarah para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum.

Bagama’t sa November 8 pa ang kanyang The Next One concert, na ididirek ni Mr. Johnny Mana­han, selling like hotcakes na raw ang ticket nito. Act­ually, masayang-masaya ang mga executives ng Viva Concerts and Events, producer ng concert ni Sarah sa maagang pagbili ng ticket ng mga fans ng actress/singer na kakaiba raw sa mga nauna niyang concert.

This time medyo nag-mature na siya at hindi lang basta pagpapa-cute ang gagawin niya.

Isinabay na sa pagbebenta ng ticket ang paglabas ng kanyang bagong album na Just Me. In fairness, ang lakas din ng album. As in malapit na itong mag-gold samantalang nakakailang araw pa lang ito sa record bars.

Bukod dun, sobrang happy din si Sarah dahil kasama siya sa most beautiful women in the Philippines bukod pa sa sexiest women ng FHM na pareho niyang hindi ini-expect.

“Ngayon ko lang na-feel at maganda at sexy ako,” sabay tawa ni Sarah na itinuturing ngayong phenomenal actress dahil sa record-breaking nilang pelikula ni John Lloyd Cruz na dinirek ni Ms. Cathy Molina.

Makikita si Sarah sa kanyang mall tour to promote the album continues at Mall of Asia on Sept. 28, SM Sta. Rosa on Oct. 4, SM Fairview on Oct. 12 and SM Clark on Oct. 25. (MRS)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BACKSTREET BOYS

BE THERE

HOWIE AND I

HOWIE D

HOWIE DOROUGH

JOHN LLOYD CRUZ

JUST ME

LOS ANGELES

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with