^

PSN Showbiz

Juday nakuha si Ryan sa dasal

- Veronica R. Samio -

Proud si Judy Ann Santos na sabihin na ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo ang da­hilan ng kanyang pagiging masaya at maganda ngayon. Hindi ito naiinsulto kapag sinasa­bihan siyang mas maganda ngayon at ibinibigay ang kredito nito sa kanyang karelasyon.

Sa tanong kung paano siya niligawan nito, sinasagot niya ng “Ako ang nanligaw sa kanya.” At sinusundan niya ng “Nakuha ko siya sa dasal. Paladasal naman ako at ang pagkakatagpo sa isang mabait at responsableng lalaki ang palagi kong hinihingi sa Kanya na sinagot naman niya ng pagta­tagpo namin ni Ryan at pagkakaro’n ng isang magan­dang relasyon. Hiling ko na lamang na sana kami na talaga at habang buhay na ang relas­yon namin,” pagtatapat ng aktres na muli ay nagbabalik Regal Films at tampok sa 48th anni­versary film nito, isang horror film na pinamagatang Mag-ingat Ka sa… Kulam.

Ayon kay Mother Lily Monteverde, isang malaking pelikula ang Kulam, malalaki ang special effects nito. Kinuha nitong muli si Juday dahil ito na lamang ang natitira sa mga artistang unang gumawa ng movie sa kanya na willing magbigay sa mga kondisyong kayang ibigay ng Regal sa panahong ito na sisinghap-singhap ang industriya ng pelikula. Sa madaling salita, pumayag ito (o ang manager niya) na bawasan ang TF niya.

“Wala namang problema sa amin ni Mother Lily. Maganda naman palagi ang pagtrato niya sa akin. Dito nga sa Kulam, nung magsimula kami ng shoot nagpadala ito ng pagkain, kahit pa napakalayo ng aming location, sa Tagaytay pa. Maraming artista ang hindi na­ka­kaalam kung gaano mag­mahal ng artista niya si Mother Lily,” pagtatanggol ni Juday sa pro­ducer.

 Balik-tambalan din ni Juday at ni Dennis Trillo na sinasabi niyang hindi pa rin nagbabago simula nung huli silang magtam­bal sa Aishite Imasu.

“Tahimik pa rin siya, hindi pa rin nakakausap, nagsasalita lamang kapag magti-take na kami. Pero, magaling pa rin siya. Sa kanya ako humuhugot ng motivation. Ang bonding moment namin ay pag-uusap tungkol sa mga anak namin, bilang mga parents. Doon masalita na siya. Tinutukso ko nga siya tungkol sa lovelife niya pero pagdating dito, silent ulit siya,” kwento ni Juday.

Ang Kulam ay sinulat at idi­direk ni Jun Lana. Sa pama­magitan nito ay maiintindihan ng mga manonood ang kapang­yarihan ng kulam, kahit na sa maka­bagong panahon. Mapapanood ito sa Oktubre 1.

* * *

Palabas na sa Setyembre 17 ang pinaka-bagong pelikula ng GMA Films, ang star-studded na ITALY (I Trust and Love You). Starring sina Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Rufa Mae, Quinto, Eugene Domingo, Rhian Ramos at Mark Herras. Matangi kay Dennis na gumaganap bilang isang negosyante, mga OFWs ang lima sa isang cruise liner, ang Costa Magica, na nagla­lakbay sa buong Europa. Pawang nagha­hanap ng kapalaran at pag-ibig ang anim.

Hindi katulad ng maraming OFW movies, comedy ang treatment ng ITALY. Kahit maraming malulungkot na subject ay ginawa pa rin itong nakakatawa ni direk Mark Reyes. Tulad ng character ni Jolina na isang chambermaid na naghahanap ng kanyang Mr. Right. O ang maya­mang negosyanteng si Paolo Guzman (Dennis) na sumama sa cruise hindi para magba­ kasyon kundi para tuklasin ang lihim sa kanyang nakaraang pag-ibig.

Tingnan na lamang natin kung merong kilig ang tambalan nila ng Italyanang si Andrea de Lugo.

Seksing lounge singer ng bapor si Rufa Mae na kaagaw ni Jolina sa puso ni Dennis. House­keeper naman sa barko si Stella Sembrano (Eu­gene) na mukhang isinumpa sa pag-ibig. Twice ’di natuloy ang kasal niya. Ang character niya ang magbubukas sa nakaraan ni Paolo. Sina Rhian at Mark ang rich girl at cabin crew na magkakainlaban sa kabila ng agwat ng kanilang katayuan sa buhay.

Ang movie na tumatalakay sa buhay ng mga OFWs at ang walang kamatayang paghahanap ng true love ay kinunan sa magagandang siyudad ng Milan, Napoli, Ge­noa, Savona, Floren­ce, Rome, Pisa, Ma­frseil­les, Barcelona, Pal­ma de Mallorca at Tunisia.

* * *

Mukhang pumatok sa manonood ng Go­bin­go ang pagla­laro ng mga imper­sonators da­hil bukas, mga imperso­nators nina ZsaZsa Pa­dilla, Ate Vi at Arnel Ig­nacio ang mga mag­lalaro.

Pero ngayong gabi, mga computer tech­nicians at sa Huwebes ay mga photographers naman ang susubok ng kanilang kapalaran.

Sa Biyernes, balik-sexy stars ang Gobingo with Gwen Garci, Jen­nifer Lee at Renee Summers. Sino kayang mga comedy hunks ang sasama sa kanila?

AISHITE IMASU

ANG KULAM

DENNIS TRILLO

JUDAY

KULAM

MOTHER LILY

NIYA

RUFA MAE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with