Dolphy vs Vic: Sino ang mas magpapatawa?
Maituturing ng biggest comedy event of the year ang pagsasama sa isang pelikula ng kinikilalang mga hari ng komedya, si Dolphy sa pelikula at si Vic Sotto sa takilya, sa pelikulang Dobol Trobol, Get Ready 2 Rambol sa istorya pa lamang ay talagang alam mong matatawa ka na.
Consider this, magsasama sina Dolphy (Mac) at Carmi Martin. May anak silang maganda si Riza Santos na ka-love interest naman ni Vic Sotto (Arthur).
Ang pelikula na pinagtulungang iprodyus ng RVQ ni Dolphy, M-Zet ni Vic at APT ni Tony Tuviera, mula rin sa Eat Bulaga, ay matagal bago nabuo.
Una, parehong abala sina Dolphy at Vic sa kani-kanilang trabaho sa GMA 7 at ABS-CBN. Nang magkaro’n ng oras ang hari ng komedya ay naging abala naman ang hari ng takilya sa paggawa ng Enteng Kabisote. Nito lamang nakaraang taon sila nakapag-usap at pagkatapos nito ay agad nang nagkaro’n ng paghahanda sa kanilang pagsasama. Pero nang magsimula naman ang shooting ng pelikula ay tuluy-tuloy na ito hanggang sa matapos.
Bukod sa mga nauna nang nabanggit na artista, kasama rin sa pelikula at gumanap ng cameo roles sina Zsa Zsa Padilla at Pia Guanio, mga reyna ng dalawang hari. Si Bibeth Orteza ang gumawa ng istorya na dinirek naman ni Tony Y. Reyes. Palabas na ito sa Agosto 13.
* * *
O, kita n’yo naman, hindi na mahihirapang humanap ng magagamit na opisina ng Eco Moda para sa I Love Betty La Fea dahil ideal ang 11th floor ng
Mahigit 70% ng serye na kung saan ay nagtatrabaho sina Betty (Bea Alonzo) at Daniella (Ruffa Guttierez) ay dito na kukunan, nagpasinaya kamakailan ang Eco Moda at dumating ang cast ng serye na sina Bea, Ruffa, Meryl Soriano, Wendy Valdez, Sheryn Regis at Ronnie Liang.
* * *
Nanalo na naman sa 10th Asia Pacific Dance Competition na ginanap sa
Mahigit 800 dancers ang sumali na mula sa 21 professional dance companies sa maraming bansa sa Asya pero ang Shirley Halili School of Ballet ang nag-uwi ng pinakamaraming gold. Nanalo rin sila ng apat na perpetual trophies dahil nakuha nila ang pinakamataas na grado sa lahat ng major entries sa lahat ng professional categories.
Mga pangunahing tagapagturo sina Anne Katrina Halili Cruz, Anna Tuazon-Balmadrid at Grace Geralde Perez. Matatagpuan ang eskwelahan sa Quezon Ave. at may sangay ito sa Poveda College, St. Mary’s, Siena sa Tanay, St. Anthony sa Alabang at Miriam College.
* * *
Nagiging totohanan na raw ang paglalaban nina Gerald Anderson at Enchong Dee sa pag-ibig ni Kim Chui. Nagsimula lamang ang lahat nang gawin silang love triangle sa My Girl, ang unang Koreanovela na ginawan ng local adoption ng ABS-CBN.
Nag-shoot sa Baguio ang cast na binubuo ng tatlo, plus Alex Gonzaga, David Chua, Regine Angeles at Nina Jose at balitang may naganap na eksena between Kim and Gerald na hindi pinalampas ni Enchong at talagang ipinaglalaban ang kanyang pag-ibig kahit nasa likod ng camera.
O, ’di ba sweet?
* * *
Matapos akong magalit sa hindi magandang resulta nang matanggal ang isa sa pinakamagaling na Pinoy Idol hopeful na si Penelope dalawang linggo na ang nakakaraan, ’di ko pa rin maiwasang ’di panoorin ang paligsahan. Gusto ko pa ring malaman kung sino kina Daryl, Gretchen, Kid, Jayann, at Chivas ang mabibiyayaan ng napakaraming premyo tulad ng bahay at lupa, kotse, pera, recording contract, negosyo at kung anu-ano pa.
Dalawa raw ang mai-eliminate ngayong Sabado at ang matitirang tatlo ang maglalaban-laban sa finals ng Pinoy Idol ng GMA 7.
- Latest





















