^

PSN Showbiz

Krista sa indie film nagwala!

- Veronica R. Samio -

After staying away from the movies for quite sometime, heto at nagbabalik si Krista Ranillo sa isang indie film, ang Paupahan (Crossroads) na kung saan ay isang daring role ang kanyang ginagampanan!

Isa siyang movie/TV wannabe na para makakuha ng kahit kakarampot na role ay pinapatulan niya maski na ang mabababang ranggo sa produksyon, tulad ng legman, stillman, caterer. Nag-topless siya, nakipag-torrid kissing scene, nagtanggal ng panty at nakipag-lovemaking sa nasabing movie na prodyus ng aktor na si Allen Dizon.

Bakit sa isang indie film siya nagpaka-daring samantalang may alok sa kanya noon sina Mother Lily Monteverde ng Regal at Boss Vic del Rosario ng Viva para magpa-sexy?

“Bukod dito, may alok din akong mag-pose para sa isang men’s magazine, pero ’di ko pa kaya noon. Kaya humingi ako ng sign—na kapag natanggap ako sa Ateneo, uunahin ko ang aking pag-aaral,” pag-amin ni Krista na nagtapos na ng Interdisciplinary Studies with tracks in Communications and Psychology, isang four-year course na kung saan ay consistent dean’s lister siya.

“Talagang hilig ko ang pagganap, kaya sinusu­bukan kong muli. Kaya nang ialok sa akin ang Paupahan, medyo natakot ako kasi nga daring ang role ko, pero acting piece  talaga. Maganda ang script, maganda ang cast, pati ang role ng pagiging daring. Hindi ako nagkamali, maganda siyang comeback project para sa akin,” dagdag pa niya.

May red carpet premiere ito sa Hunyo 22 sa SM Megamall at Hunyo 30 sa SM Pampanga ang pelikula na nagtatampok din sa isang powerhouse cast na binubuo nina Ms. Gloria Romero, Angelu de Leon, Snooky Serna, German Moreno, Joseph Bitangcol, Kirby de Jesus, Mon Confiado, Jay Manalo at Allen Dizon. Direktor si Joven Tan mula sa panulat ni Dennis Evangelista at cinematographer naman si Romy Vitug.

* * *

Wala naman palang dapat ipagsisi si Ara Mina sa pagkakalipat niya sa Kapamilya station. Pagkatapos ng isang magandang role sa Prinsesa ng Banyera na kung saan pinag-uusapan pa rin ang pagdagsa ng mga manonood sa first taping dito ni Ara. Madrama rin ang naging pagganap niya sa Maalaala Mo Kaya kamakailan.

Muli n’yo siyang mapapanood sa Ligaw na Bulalak bilang mataray na si Janet. Magiging tinik siya sa lalamunan ni Leya (Roxanne Ginuoo). 

Kayanin kaya ni Leya ang pagtataray ni Janet? Tutukan ang Ligaw na Bulaklak, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Wowowee. Mapapanood din ito sa internet sa TFCnow!

* * *

E-mail:  [email protected]

vuukle comment

ALLEN DIZON

ARA MINA

BOSS VIC

COMMUNICATIONS AND PSYCHOLOGY

DENNIS EVANGELISTA

GERMAN MORENO

HUNYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with