^

PSN Showbiz

Pinay sa American Idol nag-babu na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi naman pala malaswa ang mga litrato ni Priscilla Meirelles sa unang edition ng Playboy Philippines.

The who si Priscilla? Siya ang dating Miss Earth winner na dating dyowa ni Marc Nelson at girlfriend ngayon ni John Estrada.

Hindi mahalay ang sexy pictorials ni Priscilla  kaya walang rason para mag-emote si John na baka lalong maging proud sa kanyang Brazilian girlfriend.

Ang alam ko, may mga aktres na inalok para maging cover girl ng maiden issue ng Playboy Philippines. Dinedma nila ang offer dahil sa maling akala na kailangang magpa-sight sila ng kanilang private parts. Puwede ba ‘yon sa Pilipinas na any moment eh puwedeng mag-alsa ang mga moralista?

Therefore, si Priscilla ang kauna-unahang cover girl ng Playboy Philippines. Sino naman kaya ang Pilipina na magiging first cover girl ng kontrobersyal  na magazine?

* * *

Nag-babu na sa American Idol si Ramiele Malu­bay at ito ang pinag-uusapan kahapon ng mga loyalista ng sikat na show sa Amerika.

May mga nagtatanong kung may tsansa ba raw na pumunta sa Pilipinas si Ramiele para umapir sa mga local TV show. Why not?

Siguradong may mga kamag-anak si Ramiele na puwede niyang dalawin dahil purong Pilipino siya.

Hindi ko lang alam kung alin sa mga TV network ang magka­ka­roon ng interes na i-guest si Ramiele. Puwedeng sa Pinoy Idol ng Kapuso network dahil ang GMA 7 ang may hawak ng  franchise ng Philippine version ng American Idol.

Pero hindi rin ako magugulat kung mauna ang ABS-CBN sa pag­kuha kay Ramiele dahil ma­bilis sa ganyan ang mga Kapa­milya debah?     

* * *

Hindi lang yata ako ang pinadalhan ng sulat ni Vincent Fajilagmago na nagpakilala na Vice Chair of Philippine Generations sa London.

Type ni Vincent na ipalabas sa London ang Panaghoy sa Suba kaya naghahanap siya ng DVC copy ng pelikula ni Cesar Montano.

May payo ako kay Vincent. Kesa magpadala siya ng e-mail sa  mga entertainment writer, si Cesar ang kausapin niya dahil  ang CM Films ang produ ng pelikula.

CM  stands for Cesar Montano. Si Cesar ang higit na makakatulong kay Vincent pero hindi ko alam ang kanyang contact number.

* * *

Ayokong paniwalaan ang tsismis na lulong sa casino ang isang TV host-actress dahil wala ito sa kanyang karakter.

Gaya nang palagi kong sinasabi, paniniwalaan ko ang tsismis kung ang TV host-actress ang magkuku­wento sa akin na laman siya ng casino at lulong sa pagsusugal.

Ang paglalaro sa casino ang isang bisyo na hindi ko pinangarap na matutunan o kahiligan. Sayang ang datung na pinaghirapan kung mapupunta ito sa wala. Marami akong kakilala na naghirap nang todo dahil hindi maawat ang sarili sa pagsusugal.

AMERICAN IDOL

CESAR MONTANO

PLAYBOY PHILIPPINES

RAMIELE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with