^

PSN Showbiz

FHM calendar nina Katrina at Cristine mahina ang benta

- SEEN SCENE -

Seen: Naungusan na ng Kung Fu Kids sa rating ang Zaido ngunit hindi pa man nagsisimula ang bagong show ng ABS-CBN, hindi na tumaas ang rating ng  fantaserye ng GMA 7. Si Dennis Trillo ang ibinenta nang husto sa publicity at promo ng Zaido.Mukha lang niya ang nakalagay sa malaking billboard ng Zaido sa GMA 7 noong mag-uumpisa ang programa. Dapat tanggapin ni Dennis at ng GMA 7 ang katotohanan na naapektuhan ang kanyang popularidad ng eskandalo nila ni Carlene Aguilar. Mula nang pabulaanan at aminin niya na siya ang ama ng anak ni Carlene, nag-umpisang sumadsad ang rating ng Zaido. Tinatanggap na ngayon ni Dennis ang kanyang mga pagkakamali. Tunay na nasa huli ang pagsisisi.

Scene: Galit si Sharon Cuneta sa mga tao na nagkakalat ng balita na may malaking problema ang relasyon nila ni Senator Francis Pangilinan. Nagagalit na rin ang kanyang mga tagahanga sa hindi mamatay na tsismis na may sangkot na third party sa pagsasama nila ng senador. Kung kilala natin si Sharon, tiyak na gagawa siya ng paraan upang linawin ang isyu. 

Seen:  Sino ang dapat sisihin sa pagkalat ng balita tungkol sa mga nangyari sa Pearl Farm Beach Resort, ang mga artista na sangkot sa mga eskandalo o ang mga reporter na inimbitahan para i-cover ang event ng Nivea? Kung naging behaved ang mga artista, walang maisusulat at maikukuwento ang mga reporter na nakasama nila ng ilang araw.

Scene: Ang pagiging magaslaw ni Marian Rivera ang napuna ng mga tao na nagpunta sa presscon ng pelikula nila ni Richard Gutierrez. May pagkakataon na pabiro niyang binabatuk-batukan si Richard. Nagaslawan kay Marian ang ilang mga reporter. Na-miss nila ang sweet at demure character ni Marian.’Yon ang naging epekto kay Marian ng kanyang new found fame at confidence.

Seen: Wala si Alfred Vargas sa presscon ng ESP. Walang paliwanag ang presscon organizer sa non-appearance ni Alfred. Pabor kay LJ Reyes ang hindi pagsipot ng kanyang ex-boyfriend dahil hindi siya napag-usapan. Nasanay na ang mga reporter kay Alfred na palaging bukambibig ang dating nobya.

Scene: Mahina ang benta ng 2008 FHM calendar nina Katrina Halili at Cristine Reyes. Nagmula ang impormasyon mula sa mga may-ari ng magazine at newstands. Sila rin ang nagsabi na hindi big deal ang magkasunod na taon na naging FHM Sexiest Woman si Katrina dahil alam ng taumbayan na maraming aktres ang nakahihigit sa kanyang mga katangian. Sa kanilang paniniwala, produkto lamang ng media-hype si Katrina.

Seen: Bumagal ang benta ng January 2008 issue ng FHM nang makumpirma ang balita na buntis si Jennylyn Mercado. Nawala ang ilusyon ng mga kalalakihan sa isang babae na alam nilang may laman na ang tiyan.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

CARLENE AGUILAR

CRISTINE REYES

JENNYLYN MERCADO

ZAIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with