^

PSN Showbiz

John Estrada halatang nagkaka-edad na

- SEEN SCENE -

SEEN: Nakita na magkasama sa Power­plant Mall si John Estra­da at ang kanyang girl­friend na si Priscilla  Meirelles. Naaalarma ang mga tagahanga ni John dahil nakakabawas sa kaguwapuhan niya ang kanyang panipis na panipis na buhok.

SCENE: Hindi na pumupunta sa Marie France si Martin Jickain mula nang maghiwalay sila ni Aiko Melendez. Endorser ng Marie France si Aiko. May hinala na may koneksyon sa paghihiwalay nila ni Aiko ang pagkawala ng freebies ni Martin sa Marie France.

SEEN: Pareho ang choreography ng sayaw ni Marian Rivera sa Marimar at sa My Bestfriend’s Girlfriend. May sawa factor ang uri ng pagsasayaw ni Marian. Kailangan siyang turuan ng bagong dance steps. Pronto!

SCENE: Sina Cesar Apolinario at Ina Alegre ang subject ng mga blind item tungkol sa direktor na hindi pa nababayaran ng producer ang talent fee. Magkaibigan sina Cesar at Ina. Ayusin nila ang problema nang sila-sila na lamang. Hindi tama at pangit tingnan na nag-aaway ang mga magka­kaibigan nang dahil sa pera.

SEEN: Magkasabay na nag-promote ng Palos sina Sunshine Cruz at Cesar Montano sa ASAP noong Linggo ngunit hindi nagkita ang mag-asawa. Nasa studio ng ABS-CBN si Sunshine at nasa Cebu City naman si Cesar. Nakita lamang nila ang isa’t isa sa mga TV monitor na naka-split screen.

SCENE: Hindi na nagparamdam si Gil Portes sa mga artista ng Mourning Girls. Hindi na siya makontak dahil nagpalit na raw ng contact number ang direktor ng Mourning Girls. Mourning pa rin ang mga artista ng pelikula dahil hindi pa nababayaran ang kanilang mga talent fee. Kung si Gil kaya ang nasa sitwasyon ng mga artista, ano ang mararamdaman niya?

SEEN: Reformat ang kailangan ng SOP. Marami sa mga regular per­former/mainstays nila ang hindi naka­katulong sa show. Sila ang mga main­stay na matagal na sa  SOP ngunit hin­di nagmamarka sa mano­nood ang mga pangalan at mukha.

SCENE: Misteryoso ang ngiti ng isang nakakakilala kay Jan Nieto at nakarinig sa kanyang salita na tatlong taon na siyang walang girlfriend dahil priority niya ang career. May malisya ang ngiti. Tila maraming alam tungkol kay Jan ang tao na nakadaupang-palad ng PSG (Pilipino Star Gossip Group). Sino si Jan? Panoorin ninyo ang SOP at bantayan ang kanyang bawat galaw.

 

vuukle comment

MARIE FRANCE

MOURNING GIRLS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with