^

PSN Showbiz

Milyonaryong bading ‘di maka-score sa Actor

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Dati na kaming humahanga sa prinsipyo ng isang guwapong aktor, pero nadoble pa yun dahil sa isang kuwentong nakarating sa amin, ganito ang naging takbo ng kuwento.

Isang milyonaryong bading na dati nang “humahawak” ng mga sikat na perso­nalidad ang humanap ng paraan para maka-date nito ang machong actor na tinitilian ng mga kababaihan at kabadingan ngayon.

Gusto nitong maka-date sa una, pero sa ikalawa ay maikama na, ang guwapong machong actor. Merong mga nagtulay sa milyonaryong bading, pero naunsiyami ang lahat, dahil walang kahit sinong nagtagumpay sa kanila na maipakilala ang machong actor sa milyonaryong bading.

Sabi ng aming source, “Kahit sa isip lang, hindi niya gustong ma-identify kahit kaninong gay. Napahiya nga ang mga lumapit sa kanya, dahil nung sabihin sa kanya na mamili na siya ng gusto niyang sasakyan, ang isinagot ng machong actor, e, mas gugustuhin pa raw niyang maglakad na lang, kesa sa tumanggap ng kahit gaano pa kamahal na sasakyan dun sa gay millionaire.

“Lalong naloka ang bridge nung gay millionaire dahil nung umalis na ang machong actor, nakita niyang ganun din pala sa inio-offer niyang kotse ang ginagamit ng type ng milyonaryong bading!

“Sa totoo lang, mayaman din kasi ang pamilya nung guwapong aktor, hindi niya kailangang kalakalin ang katawan at pangalan niya para magkaroon siya ng magarang sasakyan at pera,” kuwento ng aming source.

Ang totoo ay na-challenge pala ang  gay millionaire dahil sa isang umpukan ay naging kuwentuhan ng kanyang mga amiga ang guwapong aktor, marami na palang nagtangkang maikama siya, pero pagkapahiya lang ang inabot ng mga ito dahil tahasang tumanggi ang aktor.

Napakasuwerte naman pala ng isang batang aktres na karelasyon ng guwapo at machong actor, wala itong kaagaw na kahit sino sa kanyang boyfriend, at walang kuwentong puwedeng kumalat na naikama na siya ng bading dahil walang kahit sinong nagtagumpay nung lumapit sa kanya.

Ang pangalan ng guwapong aktor na ito ay katunog ng tawag sa isang taong sumisigaw ng “action” at “cut!”

* * *

May mga kaibigan kaming nakakita sa mag-asawang David Bunevacz at Jessica Rodriguez sa Los Angeles, California kamakailan. Mukha raw namang walang problemang iniintindi ang mag-asawa dahil masasaya silang namamasyal sa isang mall kasama ang kanilang mga anak.

“Parang okey naman sila, parang wala silang problema, in fact, ang sasaya pa nga nila. Ganun na pala kalalaki ang mga anak nila? Binatilyo at dalaga na yung mga bata,” komento pa ng aming mga kaibigan.

Ang dalagitang sinasabi nila ay hindi anak ni David, Japanese ang ama ng dalagita, si Grant naman ay anak ni Jessica kay Benedict Aquino, kaya yung maliit na bata lang ang kanilang anak.

Pero itinuring nang tunay na anak ni David ang mga anak ni Jessica, naging saksi kami kung paano niya mahalin ang dalawang bata, mahal na mahal din ng mga anak ni Jessica si David.

Natatandaan pa namin, dahil atleta siya ay isinasama ni David ang dalawang bata sa kanyang pagja-jogging, in-enrol din nila ang mga bata sa taekwondo at iba pang sports dahil gusto ni David na maging atleta rin ang mga anak ni Jessica.

Magandang balita kung walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu ngayon tungkol sa mag-asawa, mas maganda kung maiaayos na lang nila ng mga investors ng Beverly Hills 6750 ang problema nang hindi na kailangang idaan pa sa korte para matuldukan na ang iskandalong ito.

“Nagsa-shopping sila, parang normal naman ang takbo ng buhay nila, pero iba ang napapanood namin dito. Palagi silang laman ng mga talk shows, marami ring newspapers na nakararating dito na ang anomalyang ginawa raw nila diyan ang laman.

“Ano ba ang totoo, may problema ba sila o walang katotohanan yung mga balitang nakararating dito sa Amerika mula diyan sa atin?” naguguluhan pang tanong ng aming mga kaibigan.

ANAK

BENEDICT AQUINO

BEVERLY HILLS

DAHIL

JESSICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with