^

PSN Showbiz

Dahil sa Utang...Aktor imbyerna sa kapwa aktor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nilalait ng mga baklita si Valerie Concepcion dahil sa pralala na hindi bagay sa kanyang wholesome image ang torrid kissing scene nila ni Manny Pacquiao sa Anak ng Kumander.

Imbyerna ang mga baklesh. Para silang choral group na sabay-sabay na nag-react ng “Whaaaaaaat? Wholesome ba ang image ng isang girl na nabuntis sa edad na 16?”

Ganyan ka-cruel ang mga baklita na naniniwala na gumigimik si Valerie para umingay ang kanyang pangalan at ang pelikula nila ni Manny.

Ang ending? Nagpasya raw si Manny na tanggalin ang kissing scene kaya hindi na ito mapapanood ng mga manonood ng kanyang pelikula.

* * *

Halatang hindi komportable si Jennylyn Mercado sa mga isinasagot nito kapag tinatanong siya kung true ang mga tsismis na mag-oober da bakod siya sa ABS CBN.

Hindi mamatay-matay ang tsismis kaya may duda ang mga baklita na sooner or later, magpapaalam din siya sa Kapuso network kesehodang hanggang sa 2009 pa ang kanyang kontrata.

Consistent si Jennylyn sa kanyang mga sagot na bukas ang pintuan niya sa anumang oportunidad na darating. Malakas ang duda ng mga baklita na may ibang plano si Jennylyn para sa kanyang sarili.

* * *

Nagsalita na si Teri Onor tungkol sa mga utang niya at isang babae na Cynthia ang pangalan ang kanyang sinisisi.

Si Cynthia ang kumumbinsi kay Teri na mag-join sa networking atsutsusu na hindi naging successful kaya nagkaroon ng milyon-milyong utang ang Vice-Mayor ng Abucay, Bataan.

Ang sey ni Teri, isa-isa nitong hinaharap ang kanyang problema sa pera as in wala siyang balak na takasan ang mga pagkakautang niya.

Si Cynthia ang itinuro ni Teri na may kagagawan ng lahat pero malabong lumitaw o magsalita ang girl para pabulaanan ang mga bintang ni Vice dahil wanted nga siya ng batas.

* * *

Tungkol pa rin sa utang ang ating topic. Hindi pa yata nababayaran ng aktor ang utang niya sa kapwa aktor kaya umiwas siya.

Ang tsismis, umabot sa P100K plus ang inutang ng aktor na nag-OPM na babayaran niya ang datung, as soon as possible.

Hanggang ngayon, hindi pa bayad ang utang kaya imbyerna na ang aktor na nagpautang.

Dahil sa matinding kahihiyan, hindi makapagpakita ang nangutang na aktor sa inutangan na aktor na kaibigan pa naman niya. Malapit na ang Pasko. Maraming gastos tuwing Pasko. Bayaran na sana ni aktor ang kanyang friend o makipag-usap siya nang maayos para hindi masira ang pangalan niya. Imposible na hindi siya maintindihan ng kanyang utangan. Para que pa’t naging magkaibigan sila?

vuukle comment

KANYANG

PLACE

SI CYNTHIA

TERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with