^

PSN Showbiz

Joey, walang balak mag-asawang muli

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Ayon kay Joey Mar­quez na host din ng Kung Ako Ikaw ay loveless siya ngayon. Pagkatapos nilang maghiwalay ni Alma Moreno at ma-annul ang kasal ay wala na siyang balak na mag-asawang muli. Huli nitong girlfriend si Alicia Meyer at wala rin siyang balak na magkaroon sa ngayon ng nobya.                     

Keempee, Bading Na Naman!

Sa presscon ng comedy-reality show na Kung Ako Ikaw hosted by Joey Mar­quez at Keempee de Leon ay inamin ng huli na bading pa rin ang kanyang karakter na si Harold na sumikat sa Bahay Mo Ba To!

“Sabi nga ni Ms. Wilma Galvante sa akin ay ang pagiging bading na si Harold ang nagbigay sa akin ng tagumpay at bu­muhay sa aking career. Minahal ako ng mga tao dahil sa karakter na ito at malakas ang da­ting ni Harold kaya hindi nila ito mami-miss,” sabi ni Keem­pee.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ng komedyante na gayahin ang isang reporter at gusto niyang mainterbyu si Dolphy.

Sa kabilang banda, natutuwa si Keem­pee dahil kaka­iba ang reality show na ito dahil tatlong celebrities ang maatasang gumawa ng trabaho at mamu­hay bilang ordinaryong tao kung saan tata­wagin siyang mangga­gawa.”

Loveless pa rin ang komedyante pero lu­malabas siya on dates sa hindi taga-showbiz. Eleven years old na ang anak nitong si Sa­­mantha at twice a week kung sila’y mag­kitang mag-ama. Sus­tentado niya ang anak. Mayroon siyang negosyo — ang Elorde Gym sa may South­mall dahil hobby din niya ang boxing.

Ano ang pangaral sa kanya ng ama?

“Marami pero lately sinabi ni Daddy na i-appre­ciate ko ang aking trabaho. Kapag gusto kong pumunta sa abroad para mag­bakasyon gastusin ko ang aking pinaghirapan para makapag­pahinga. Pagbalik ng bansa ay kayod uli,” aniya.

Simula July 16 ay mapa­panood ang Kung Ako Ikaw mula Lunes  hang­gang Mi­yerkules sa GMA pag­katapos ng Jumong.

Superhero Duo?

Ngayong Sa­bado ay magiging maaksyon ang ba­wat tagpo sa pa­gitan  ng Su­per­hero Duo na sina Fantastic Man (Mark Herras) at FantasticGirl (Ryza Cenon) kung saan isang estudyante ng St. Anthony University ang magbabalik. Siya si Jopet (Ryan Yllana) na nabig­yan ng kaka­yahang tuma­naw ng kahit anong kla­seng me­tal. Kung paano siya ta­talunin ng su­perhero duo ang siyang dapat na aba­ngan nga­yong Sa­bado (July 14) sa Fan­tas­ticMan: Ang Ikala­wang Laban.

                                                                                                                         

                                           

vuukle comment

ALICIA MEYER

JOEY MAR

KUNG

KUNG AKO IKAW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with