^

PSN Showbiz

Pitong Dalagita sa Star Records video

-
Sa pagitan ng pagiging tinedyer at ganap na adults, ano ang ginagawa ng mga kabataan sa ‘‘awkward years’’ na ’yon? Nasa edad 16 o 60 ka man, maki-relate sa loob mismo ng tahanan sa pamamagitan ng video ng nag-hit sa takilyang Pitong Dalagita. Mula sa Star Records Video, ito ay nagtatampok sa star-studded cast na kinabibilangan nina Angelica Panganiban, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Valerie Concepcion, Cristine Reyes, Jay-R Trinidad at Iwa Motto.

Nagsimula ang istorya nang sa isang natatanging araw ng Linggo ay pitong tinedyer — anim na babae at isang lalaki — ang natagpuang nakahiga sa palaruan ng isang pampublikong high school. Lahat sila’y naglaslas ng kanilang pulso! Sa imbestigasyon, nadiskubre ng guidance counselor ang mga lihim ng pitong kabataan tungkol sa kanilang pagnanasa, kinatatakutan at labis na pagkagalit sa sarili.

Ang nakakaintriga, nag-ugat lang ang lahat sa isang simpleng love triangle at nagtuluy-tuloy ito sa pagiging masalimuot ng mga pangyayari. Bawa’t isa sa pito ay may kanya-kanyang nakakagulat na dahilan kung paanong nagawa nilang tangkaing wakasan ang kanilang buhay.

Dinirihe ni Crisaldo Pablo, ang Pitong Dalagita sa orihinal na video ay meron ding trailers ng upcoming blockbusters. Para sa katanungan, pakitawagan lang ang (632) 4152272 loc. 3621 0 magsadya sa Astrovision, AstroPlus, Tower Records, New Radio City, Odyssey, SM Record Bars, Video City at iba pang sikat na outlet sa bansa. —ZAR BAISAS

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CRISALDO PABLO

CRISTINE REYES

IWA MOTTO

JAY-R TRINIDAD

NADINE SAMONTE

PITONG DALAGITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with