^

PSN Showbiz

RPN, sasali na sa network war!

- Veronica R. Samio -
Abangan lang dahil pandalas ang paghahanda ng RPN 9 sa pamamagitan ng Solar Entertainment ni Wilson Tieng at sasali na ito sa network war. Ngayon pa lamang ay marami na itong kinuhang mga artists na itatampok nila sa napakaraming mga local shows na magsisimula nang umere sa lalong madaling panahon.

Ang mga artista na mayro’ng malalaking pangalan ay lumalabas na rin sa pangunahing dalawang istasyon sa telebisyon na hindi maaring lumabas sa ABS CBN o GMA pero pwedeng hiramin ng RPN 9.

Walang hindi gagawin ang Solar Entertainment para mapalago ang viewership ng RPN 9 na bago ang Siete at Dos ay nanguna sa pagpapalabas ng mga programa sa telebisyon.

Pinamumunuan ni Pat-P Daza ang Special Events ng Solar Entertainment for Television.
* * *
Kung naghahanap kayo ng isang family entertainment lalo na ngayong Valentine’s Day, simula na ngayong 10 NG ang Bedazzled 7, ang maituturing na pinaka-mahabang musical revue na nagsimula nung Agosto 2006 at natapos ng Enero 2007, sa pinaka-engrandeng theater bar na matatagpuan sa Boni Avenue, Mandaluyong City, sa ikatlong palapag ng The Venue Tower.

Di pa gaanong matagal ang Club Mwah sa negosyo ng entertainment pero lahat ng nakapanood ng mga mala-Broadway at Studio 54 nilang palabas ay pawang papuri ang sinasabi sa kani lang mga palabas.

Ang Bedazzled 7 ay nagtatampok sa mga bagong production numbers na tinatampukan ng Follies de Mwah "showgirls" at choreographed by its artistic director Cris Nicolas. Ang isa pang may-ari ng Club Mwah na si Pocholo Mallilin ay assigned naman sa administration ng lugar. Maaring tumawag sa 5357943/5322826.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ANG BEDAZZLED

BONI AVENUE

CLUB MWAH

CRIS NICOLAS

MANDALUYONG CITY

SOLAR ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with