^

PSN Showbiz

Gladys, bawal sa Eat Bulaga!

-
Napanood namin ang showdown ng Sexbomb Girls at EB Babes para sa awiting "Itaktak Mo" kahapon (Sabado) sa Eat Bulaga at maski na wala kami sa loob ng studio ay dinig na dinig namin ang hiyawan at palakpakan sa grupo ni Joy Cancio.

Unang sumayaw ang EB Babes at in fairness, magagaling naman sila, okey ang choreography ni Joy at sumunod na sumayaw ang Sexbomb at nakakabingi talaga ang sigawan dahil nagtayuan pa ang mga tao para sa huling grupo.

At ipinakita rin sa tv camera ang special guest ng EB na si Sharon Cuneta na talagang tulalang nanonood sa nasabing showdown.

Hindi maitatagong mas maraming fans ang Sexbomb at kitang-kita ‘yun ng buong staff at hosts ng Eat Bulaga. Ang tanong, pababalikin na kaya ng programa ang naunang grupo na ayon na rin sa mga hiling ng fans at studio audience?
* * *
Habang naghihintay kami ng flight pabalik ng Manila from Cebu ay nakausap namin si Yeng Constantino tungkol sa nasulat namin dito tungkol sa pangungulit sa kanya ni RJ ‘Tuesday’ Jimenez at bumubuntot pa raw ito sa lakad ng 1st Grand Star Dreamer.

"Oo nga po, eh. Ang daming galit kay RJ, ginagawan ng isyu, e, wala namang ginagawa sa kanila? Naawa nga ako kay RJ kasi ang bait-bait nung tao sa akin.

"Hindi po siya nangungulit, ‘yung sinusundan ako, ako po mismo ang nagpasunod sa kanya kasi matagal na kaming hindi nagkikita.

"Gusto ko po kasi nandidiyan lang siya sa tabi ko, kasi kaibigan ko siya talaga," esplika ni Yeng na halatang apektado sa nega write-up ni RJ.

Kayo ba ni RJ?

"Hindi po talaga, sobrang kaibigan ko talaga ‘yun, pinasasaya po niya ako parati," mabilis na sagot ng dalagita.

Samantala, problemado ngayon si Yeng dahil sa treatment daw ng ilang staff ng Big Dream Productions kay RJ, sana raw ay pabayaan na lang sila dahil hindi naman daw talaga naapektuhan ang trabaho nila, "Alam ko naman po ang ginagawa ko at saka sa point ng career ko ngayon, walang lovelife muna, gusto ko lang nandiyan si RJ," esplika pa sa amin.

At dahil isa sana si RJ sa guest ng PDA Top 6 sa World Tour nila by March ay duda kami kung isasama pa siya dahil obviously, hindi siya feel ng ilang taga-BDP.
* * *
Hindi ba welcome si Gladys Guevarra sa Eat Bulaga?

Naitanong namin ito dahil halos naikot na ni Gladys ang mga programa ng GMA-7 para sa promo ng kanyang bagong show at namumukod tanging ang Eat Bulaga lang ang hindi niya napupuntahan.

On air ay tinanong ni ‘Nay Lolit Solis si Janno Gibbs kung bakit hindi nagpo-promote ang nag-resign na co-host ng Eat Bulaga, "Hindi na niya kailangan kasi marami na siyang pinag-guestan at saka papanoorin ‘yung bago niyang show kasi maganda ‘yun," mabilis namang sagot ng aktor.

Pero ang tsika sa amin ng taga-EB ay, "Bawal tumuntong si Gladys dito sa Eat Bulaga, ayaw ng bossing."

Sino kayang bossing ang tinutukoy ng aming source na ayaw magpa-guest sa kanya sa Eat Bulaga?

vuukle comment

BULAGA

DREAM PRODUCTIONS

EAT

EAT BULAGA

GLADYS

GLADYS GUEVARRA

ITAKTAK MO

JANNO GIBBS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with