^

PSN Showbiz

Jed Madela, paborito ni Lea

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Kahit naman kayo hindi magtataka kung paborito ngayon ng mag-anak na Salonga–Ligaya, Gerald at Lea– si Jed Madela.

Ang biro nga ng Mommy Ligaya nila: "Ano ba ang napakain mo kay Gerald at Lea at ikaw ang gustung-gusto nilang makasama sa mga live concerts?"

Totoo nga naman sapagkat sa tatlong naka-schedule na malalaking concerts nina Lea Salonga at ng kanyang bunsong kapatid, ang musical director/arranger/composer na si Gerald, si Jed Madela ang nahirang nilang makasama.

Magsisimula ito sa pre-Valentine concert sa PICC on February 11. Sa Valentine show naman nina Lea sa Cebu City, guest artist pa rin si Jed. Ang post Hearts’ Day live concert ng international star sa Davao, featured pa rin ang world singing champion.

Sa palagay ko, talaga namang kalulugdan ng kahit sinong global singing star tulad ni Lea Salonga ang isang song artist na tulad ni Jed, lalo pa nga sa mga duet numbers.

Si Jed kasi ang tipo ng mang-aawit na hindi bumibirit kapag may ka-duet. Laging in total control ang kanyang performance para maayos ang blending ng kanilang mga boses sa mga duet numbers.

Isa pang plus factor ni Jed as a performer ay natutumbok niya ng tama ang bawat nota sa isang kanta–walang labis, walang kulang.

Isa sa mga leading musical directors at conductor si Gerald kaya matalas ang kanyang mga tenga sa ganitong bagay.

Kahit abala sa paghahanda sa kanyang solo concert sa Music Museum si Jed na itatanghal sa February 23, nag-ukol din siya ng sapat na panahon upang matapos ang kanyang bagong album. Malamang na matapos ang lahat end of January, for a February or March release ng kanyang album..
* * *
Daig pa ng isang signature model ni Goullee Gorospe si Rep. Kim Bernardo Lokin ng CIBAC party list.

Mula nang matawag ang pansin ni Goullee ni Congresswoman Kim sa isang party sa Manila Polo Club, lagi nang nakasuot ng mga Gorospe creations ang magandang mambabatas.

Si Rep. Kim Bernardo Lokin pala ay naging newscaster sa ANC channel ng ABS-CBN, ayon sa kwento ng pamosong designer. Noon nasa media pa siya, ilan ulit na siyang inalok maging guest sa mga TV shows at lumabas sa pelikula, pero hindi nagkaroon ng pagkakataon upang tanggapin niya ang mga ito; kahit pa nga galing kina Sen. Bong Revilla at Cong. Mikey Arroyo ang mga nabanggit na offers.

vuukle comment

BONG REVILLA

CEBU CITY

CONGRESSWOMAN KIM

GOULLEE GOROSPE

ISA

JED MADELA

KIM BERNARDO LOKIN

LEA SALONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with