Didith Reyes lasengga pa rin, walang pagbabago
January 1, 2007 | 12:00am
Dahil naging malaking tagumpay ang unang tambalan sa pelikula nina Toni Gonzaga at Sam Milby, ang Youre The One early this year, may follow-up movie na sila sa bakuran ng Star Cinema na pinamagatang Huli Ka na pinamamahalaan ni Cathy Garcia-Molina.
Habang walang bagong teleserye si Toni, pinaghahandaan naman ang pagbabalik ng Pinoy Big Brother sa buwan ng Marso.
Gusto naming pasalamatan si Leslie Reyes, may-ari ng Reyes Haircutters at nakababatang kapatid ng beauty czar na si Ricky Reyes dahil sa pagbibigay-tulong sa dating sikat na mang-aawit na si Didith Reyes na napariwara ang buhay.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na napabayaan ni Didith ang kanyang magandang singing career nung late 70s to early 80s at sa hindi malamang dahilan ay nawala ito sa sirkulasyon. Nabalitaan na lamang namin na itoy napadpad sa isang lugar sa Laguna.
Binulaga na lamang ni Didith ang lahat nang itoy mapanood sa ibat ibang showbiz talk shows kung saan niya ipinakita ang kanyang hindi na halos makilalang hitsura dahil umano sa pagkakabugbog sa kanya ng kanyang dating live-in partner.
May pinagsamahan kami ni Didith dahil naging contract star ito ng OctoArts International na aming pinagsilbihan sa loob ng 23 taon. Ang ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Jojo Gabinete ang naging daan ng muli naming pagkikita ni Didith. Sa tulong ni Jojo, nagkita kami ni Didith sa Starbucks (Emerald Ave.) sa Ortigas Center.
Mahigit dalawampung taon din kaming hindi nagkita ng singer na nagpasikat ng mga awiting "Araw-Araw, Gabi-Gabi," "Bakit Ako Mahihiya" at iba pa. Hindi na halos namin nakilala si Didith nang itoy bumaba sa service van ng GMA-7 na siyang sumundo sa kanya sa Laguna. Ang dating glamorosang Didith Reyes na dating kilala namin ay wala na at ibang Didith Reyes ang tumambad sa aming harapan.
Ikinuwento niya sa amin ang kanyang mga pinagdaanan at kasalukuyang sitwasyon. Kulang man isipin, halos mas mahirap pa siya sa daga at hirap sa kanyang kalagayan.
Dahil sa awa namin kay Didith, naglakas-loob akong lapitan ang isang kaibigan, si Leslie Reyes na kung puwede niya itong tulungan na makapagtrabaho sa kanyang tanggapan o di kaya sa kanyang parlor. Hindi kami nagdalawang-salita kay Leslie at agad niya itong tinanggap.
Nasa isang boarding house na rin si Didith at kasalukuyan itong nagti-training. Isinasama rin ito ni Les sa ibat ibang affairs ng Reyes Haircutters pero nalungkot ako nang mabalitaan kong paminsan-minsan ay lumalabas pa rin ang dating ugali ni Didith, ang pag-iinom at paninigaw sa kanyang mga kasamahan sa boarding house.
Hindi man aminin ni Didith ay isa na siyang alcoholic (noon pa man) at tila nahihirapan siyang tanggalin ito. Minsan daw ay bumibili pa rin ito ng gin at inilalagay sa bote ng mineral water para hindi halata.
Bago ko ipinasok si Didith kay Les, kinausap ko siyang (Didith) mabuti. Ihihinto na niya ang pag-inom ng alak at pagiging hot-tempered at nangako rin ito na hindi niya ako ipapahiya kay Les dahil ito na lamang ang last chance niyang magbago nang husto at wala na siyang mapupuntahan pa. Wala ring trabaho ang kanyang kaisa-isang anak na si Arby.
Nanghihinayang kami kay Didith. Pero kung ayaw niyang tulungan ang kanyang sarili, wala na rin kaming ibang magagawa pa para sa kanya.
Sana lang, mas mahaba pa ang pasensiya ni Les at ng buong staff ng Reyes Haircutters.
E-mail: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
September 29, 2026 - 12:00am
September 29, 2026 - 12:00am