^

PSN Showbiz

Rustom, best actress nominee sa MMFF

-
Ini-expect na ni Zsazsa Padilla na may part two ang first fantasy movie niyang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh ng Regal Entertainment sa 2007 dahil gagawing series na rin daw ito ni Mother Lily Monteverde.

"Kaya sana hindi na ako magkasakit uli para hindi n’yo na ako matawag na anorexic," tumatawang sabi ng Divine Diva.

Inamin din ng lovely partner ni Mang Dolphy na talagang nag-control siya sa pagkain dahil mahirap daw tumaba dahil yung costume niya ay labas ang tiyan.

"Bukod do’n, hirap din ako sa fighting scenes kasi mahirap ipitin ang tummy. Kaya ngayong tapos na ang movie, puwede na uli akong kumain, in fact nauubos ko ang dalawang bandehadong kanin ngayon, unlike before half cup lang," pagtatapat ng sexy actress/singer.

At dahil sila ni Rustom Padilla ang bida sa Zsa Zsa Zaturnnah ay tiyak na pareho silang nominated for best actress sa MMFF 2006.

"Yes, sa best actress category siya mapupunta, kami ang magkalaban," patawang banggit pa ni Zsazsa.
* * *
Malaking sugal ang pagpo-produce ni Chris de Guzman (anak ng komedyanteng si Teroy de Guzman) ng first Filipino magical/musical stage play dahil hindi naman lahat ng stage play ay kinakagat ng tao, maliban na lang kung mahilig ka sa teatro.

In fairness, may moral lesson ang magical/musical play ni Chris na pinamagatang Prinsesa, Hiwaga ng Kalikasan na pinangungunahan nina Rannie Raymundo, Jeffrey Tan, Herman Aquino, Patricia Ysmael, Beverly Salviejo, John Lapus, Ate Gay, Rita Iringan, Apollo Abraham, at ang R n B princess na si Kyla.

Isasadula thru magical/musical kung paano salaulain ng tao ang kalikasan at kung ano ang masamang dulot nito sa ating lahat at the same time, ipapakita naman ang kagandahan nito kung ang mga mismong sumisira nito ang siyang muling mag-aalaga at mapapanood ito umpisa sa December 14 to 17, 2006 sa Aliw Theater, CCP Complex Pasay City at 2pm at 8pm.

Bongga ang concept ng stage, props at costume na gawa pa ng kilalang designer na si Edgar San Diego.

Aminado ang producer na maraming nagsabi sa kanyang ‘luko-luko’ siya dahil nga nag-produce siya ng ganitong klaseng play. "Sa teatro ako nabuhay, kaya mahal ko ito at gusto kong magpakita ng kakaibang concept, kasi madalas puro drama ang binibigyang buhay sa teatro, ngayon, first time combination ng musical at magic na more on illusions," esplika ni Chris during the press launch of Prinsesa, Hiwaga ng Kalikasan. —REGGEE BONOAN

ALIW THEATER

APOLLO ABRAHAM

ATE GAY

BEVERLY SALVIEJO

CHRIS

COMPLEX PASAY CITY

DIVINE DIVA

EDGAR SAN DIEGO

GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with