^

PSN Showbiz

Yeng o Panky para sa Pinoy Dream Academy

- Veronica R. Samio -
Kung dati naman ay si Yeng Constantino lamang ang bet ko na maging Grand Star Dreamer sa Pinoy Dream Academy, nadagdagan na siya ng isa pa, si Panky Trinidad, nakita ko nang magaling ito at magiging kakaibang winner sa nasabing pakontes ng ABS CBN na magkakaro’n na ng ending sa Linggo, sa Araneta Coliseum din. Sure ako na kung nung una ay (medyo) antipatika ang dating nito sa maraming manonood, nakuha na niya ang loob nila dahil sa kanyang katapatan, sa kanyang walang kaplastikang pagpapakita ng kanyang ugali at sa kanyang katalinuhan sa pagsagot sa maraming katanungan sa kanya, lalo na nung huli silang humarap sa media, isang araw matapos na maging anim na lamang sila. Ito ang magiging bentahe ni Panky sa kanyang limang mga kalaban, na ang bentahe naman ni Yeng ay ang kahusayan niyang mag-compose ng mga kanta.

Cute yung sinabi niyang di niya alam kung bisexual ba siya o hindi dahil naa-attract siya sa lalaki o babae man, humahanga siya sa both sexes, in fact may crush siya sa isa pa na nasa top 6 na si Chad Peralta na inamin niyang gustung-gusto niya ang mga matitipunong braso nito.

Kapuri-puri rin ang pagnanais niya to prove everybody wrong na ang isang may bigat na katulad niya ay di pwedeng meg-excel sa isang field na mga may magagandang pangangatawan lamang ang namamayani. Katwiran niya ay may talento siyang maio-offer at nagawa na niyang makapagbawas ng timbang, from 217 to 201 lbs.

Sino man sa anim, Ronnie Liang, Irish Fullerton at JR Siaboc ay may karapatang manalo pero, tulad ng katwiran ko magagaling man silang anim, may isang pinakamagaling sa kanila, napili na sila ng mga judges, bahala na sa kanila ang mga texters, marunong na silang bumoto.
* * *
Marami sa kanila ang nanggaling sa Pinoy Dream Academy Top 20. Sila yung mga hindi nakapasok sa Top 12 at nakatutuwang makita na magaganda silang lahat at marunong ding kumanta. Kaya siguro nanghihinayang si Direk Lauren Dyogi kung mauuwi lang sila sa wala kaya nagkaideya itong gawin silang isang singing group na tinawag niyang Dreamgirls.

Ang Dreamgirls ay binubuo nina Gemma Fitzgerald, 22, isang PDA expelled scholar, isang Fil-Australian, dating Miss Philippines Australia; Czarina Rosales, 19, soloista ng grupong Crossroads, finalist ng Star In a Million at bahagi ng 26K ng Kapamilya: Deal or No Deal; Wendy Valdez, 21, commercial model, sumali sa Bb. Pilipinas, naging front act ni David Pomeranz; Jonah Maluto, 22, licensed pharmacist, na nakasali na sa Miss Earth 2003, Miss Cover Girl 2004 at Miss Fort Ilocandia 2004 na kung saan ay nakasama siyang lahat sa top 10; Its Saludo, 25, isang lounge singer na ang ama ay dating myembro ng Ambivalent Crowd at Michelle Murenec, 21, graduate ng Int’l. Bus. and Management, isang dance teacher sa Brisbane.
* * *
Sa Atlantika, GMA 7, malalaman na ni Barracud (Ariel Rivera) na buhay pa si Prinsesa Ruana (Katrina Halili). Ipaaalam din ito ni Azita (Desiree del Valle) kay Celebes (Jean Garcia).

Mapapasok naman nina Amaya (Iza Calzado) at Alona (Isabel Oli) ang bahay nina Dr. Naval (Pen Medina). Magyayakap ang mag-inang Remedios (Cherry Pie Picache) at Amaya. Magkikita rin sina Alona at Celeste, tutubuan ng kaliskis ang huli kapag naghawakan sila ng kamay.
* * *
Magkakaro’n ng victory concert si Manny Pacquiao sa Disyembre 23, 8NG, sa CCP Open Field. Makakasama niya si Allan Pineda Lindo aka Apl. De Ap, ang Pinoy na myembro ng Black Eyed Peas. Isang gabi ito ng singing and dancing.

Pinamagatang Boksing sa Manila: A Victory Concert, itatampok dito ang itinuturing na mga new breed of heroes na mga living testaments na ang Pinoy ay mga world class talents.

Makakasama ng dalawa sina Camille Velasco, Rae, Nump, Roscoe, Slapshock, All Stars Dance Group at LSDC Street Dancers. Sa mga interesado, tumawag sa 09175274928.

vuukle comment

A VICTORY CONCERT

ALL STARS DANCE GROUP

ALLAN PINEDA LINDO

ALONA

AMAYA

AMBIVALENT CROWD

ARANETA COLISEUM

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with