^

PSN Showbiz

Bearwin, magma-magic sa gitna ng Edsa!

-
Hindi dumalo si Bianca King sa premiere night ng Gigil ni Katrina Halili last Monday night kaya’t hindi tuloy namin naitanong kung totoong nagprisinta siyang maging body double ng huli para sa bedscenes.

Samantala, tiyak na puputaktihin ng entertainment press si Aubrey Miles kapag nagpa-presscon na ang Super Noypi dahil sinabihan niyang worst actress si Katrina, pero base sa napanood namin ay may effort naman ang acting ni Katrina.

Interesado kaming mapanood ang Super Noypi dahil magkasama sina Katrina at Aubrey at doon malalaman kung sino ang worst actress sa dalawa?
* * *
Gaano man ka-busy sa tapings at promo ng Super Noypi ay nagawa pa ring isingit ni Jennylyn Mercado ang Christmas party niya para sa mga battered children ng Bata Foundation Christian Mission Service, Philippines at Children’s Home ng Barangay San Roque, Naic, Cavite ngayong hapon.

For three consecutive years ay nakagawian na ni Jennylyn ang mag-share ng blessings sa mga batang biktima ng kalupitan ng kanilang mga magulang.

Para mapasaya ang mga kids na salat sa pagmamahal ng magulang ay mamamahagi si Jen ng mga laruan, pagkain at may mini-show din para sa dagdag kasiyahan ng mga bagets.
* * *
Dahil puro "magic" na ang laman ng utak ni Bearwin Meily ay tinanong namin siya kung apektado ba ang pagtulog niya dahil puro mga bagong techniques sa pagma-magic ang pinag-aaralan niya.

Umamin sa amin ang isa sa cast ng 13th Floor ng Shake, Rattle and Roll 8 na hindi na nga raw siya nakakatulog dahil sa mga kung anu-anong pumapasok sa isipan niya.

"May times na talagang totally, hindi ako nakakatulog, gising ako magdamag, minsan wala naman akong iniisip, pero hindi ako makatulog.

"Minsan umaga na ako nakakatulog, so far okey pa naman ako, hindi pa naman ako nawawala sa sarili ko," pabirong sabi ng komedyanteng magikero.

By March ay aalis ng bansa ang alaga ni direk Manny Valera patungong Los Angeles, California for business pero, gagawa muna raw siya ng kakaibang show dito sa Pilipinas at mangyayari ito between Edsa Shangri-La at Megamall.

"Isang camera lang ang gagamitin walang cut, tuluy-tuloy, nakatayo ako sa Edsa Shangri-la in seconds, nasa Megamall na ako. Hindi ko puwedeng sabihin kung paano, basta magic yun at gusto ko, naroon kayo para ma-witness ninyo," paghahamon ni Bearwin.

May isa pang trick ang komedyante, papasok daw siya sa isang balikbayan box at magpapakasagasa siya sa isang malaking bus/truck at makikitang lukot ang nasabing balikbayan box, at makikitang nakasakay na pala si Bearwin sa loob ng bus/truck. —Reggee Bonoan

vuukle comment

AKO

AUBREY MILES

BARANGAY SAN ROQUE

BATA FOUNDATION CHRISTIAN MISSION SERVICE

BEARWIN

BEARWIN MEILY

BIANCA KING

SUPER NOYPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with